Showing posts with label Housing. Show all posts
Showing posts with label Housing. Show all posts

4/22/2011

Impormasyon tungkol sa Emergency Safety Check(応急危険度判定)

Ika-20 ng Abril, 2011 18:00

Impormasyon tungkol sa Emergency Safety Check

Ang Emergency safety check o “Oukyu Kikendo Hantei” ay isang pag-chcheck ng mga bahay o building na nasalanta ng lindol para malaman kung gaano kadelikado ang mga building. Mag-jujudge ng panganib at posibilidad ng pagbagsak ng building kapag may aftershock, para iwasan ang pangalawang pinsala o secondary disaster. Pagkatapos ng judgement, ididikit ang papel na pula, dilaw o berde sa part eng building na madaling makita.
Ang mga ibigsabihin ng tatlong kulay ay susunod:
○Pula: Manganib. Bawal pumasok sa building na ito. 
○Dilaw: Kailangan ng babala. Mag-ingat nang mabuti kung papasok sa loob.
○Berde: Na-check na. Puwedeng pumasok sa loob.
Ang mga Local Government Unit ay nagpapasya kung saan isasagawa ang emergency safety check. Magtanong kayo sa inyong LGU para sa karagdagang impormasyon. 
※ Ang emergency safety check ay nagkakaiba sa building inspection na kailangan sa issue ng certification of disaster-victim. 

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

4/20/2011

Impormasyon ukol sa pagsuporta sa pansamantalang pag-aayos ng bahay(住宅の応急修理制度について)

Ika-18 ng Abril, 2011 16:00

Impormasyon ukol sa pagsuporta sa pansamantalang pag-aayos ng bahay

Kung paaayusin ninyo ang bahay na nasira dahil sa Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean, matatanggap ninyo ang suporta sa bayad. Pansamantalang pagpapaayos o temporary repair lamang ito. Ang mga susuportahan ay ang mga pamiliyang walang pangbayad sa pansamantalang pagpapaayos. Ang maximum suporta ay 520,000 yen bawat pamilya. Ang mga puwedeng paayusin ay ang mga parte lamang ng bahay na kinakailangan sa pang-araw-araw na buhay tulad ng bed room, kusina o CR. Kailangan din maka-match sa ilang condition tulad ng level ng pagkasira ng bahay at kinikita ng pamiliya para makatanggap ng suporta. 
※ Hindi puwedeng mag-apply sa pansamantalang pabahay o Kasetsujutaku kapag nakatanggap kayo ng suporta ng temporary repair.

Makipagkunsolta kayo sa tanggapan ng Local Government Unit para sa karagdagang impormasyon tulad ng pag-aaply, mga requirements o condition ng pagkasira.

【Para sa karagdagang impormasyon】
 The multilingual support center for the Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean
email: tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

3/31/2011

Impormasyon ukol sa pag-aaply sa pansamantalang pabahay (仮設住宅)

Ika-28 ng Marso, 2011 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.82

Impormasyon ukol sa pag-aaply sa pansamantalang pabahay

May mga lugar na nagsimula na ng pagtanggap ng pag-aaply sa pansamantalang pabahay o “KASETSU JUTAKU” na ihahandog ng gobiyerno. Makakapasok kayo sa pansamantalang pabahay kung nawala na ang bahay ninyo at hindi rin ninyo kayang umupa o magpatayo ng bagong bahay dahil walang pera. Ang mga tanggapan ng aplikasyon nito ay nasa evacuation o local government unit.
Ang mga kinakailangan para sa pag-aaply ay susunod: 
1. Application form
2. Identification card tulad ng driver’s license o health insurance card
3. Certification of disaster-victim

Ang certification of disaster-victim ay binibigay ng Local government unit ayon sa pag-aaral nila ng kalagayan ng pagkasalanta ng bahay ng isang tao. Itong certification ay may apat na level ng pagkasira ng bahay tulad ng “nabagsak nang todo o ZENKAI”, “nabagsak nang higit pa sa kalahati o DAIKIBO-HANKAI”, “nabagsak ang kalahati o HANKAI” at “nabagsak ang ilang parte o ICHIBU-SONKAI”. Iba ang halaga na ibibigay ng gobiyerno at halaga na ibabawas sa buwis na kailangan bayaran depende sa level ng pagkasira.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan po kayo sa tanggapan ng pansamantalang pabahay sa lokal na pamahalaan.

【Para sa karagdagang impormasyon】
 The multilingual support center for the Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean
 email: tabumane110311@yahoo.co.jp



日本語

3/23/2011

Impormasyon ng residente tungkol sa pampublikong pabahay

Ika-22 ng Marso 2011, 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.62

Impormasyon ng residente tungkol sa pampublikong pabahay

Pagbubukas ng information center na puwedeng mapagtanungan tungkol sa maaring paglipat sa mga sumusunod: pampublikong pabahay sa labas ng prefecture, pabahay ng Urban Renaissance Agency (UR). Itong information center ay para sa lahat ng biktima at ang mga naatasang lumikas dahil sa panganib na dulot ng aksidente sa Fukushima Nuclear Power Plant.

Nilalaman:
Ang sino mang gustong lumipat sa mga pampublikong pabahay sa labas ng prefecture, maaari kayong tumawag sa information center at kayo ay kanilang irerekuminda sa lokal na pamahalaan na silang mamamahala sa inyong kahilingan.

Mga target: Ang mga sumusunod na mga tao na nais lumipat sa mga pampublikong pabahay sa labas ng prefecture at iba pa.

① Mga biktima ng Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean at tsunami
② Sa mga naatasang lumikas dahil sa panganib na dulot ng aksidente sa Fukushima Nuclear Power Plant.

Ang mga sumusunod ay mga pampublikong paupahang bahay sa buong Japan;

○ Pampublikong Pabahay o Pampublikong Paupahang Pabahay ng local na
Pamahalaan / Public Housing or Public Rental Housing ng local na pamahalaan
○ Mga pinapaupahang bahay na pinamamahalaan ng Local Housing Corporation
○ Mga pinapaupahang bahay na pinamamahalaan ng Urban Renaissance Agency (UR)

Sa mga residente ng Iwate, Miyagi, Ibaraki, Tochigi at Chiba na interesado sa mga pampublikong pabahay, maaaring kumunsulta at humingi ng impormasyon sa inyong local na pamahalaan o munisipyo na malapit sa inyo.

Ang lokal na pamahalaan o awtoridad at ang Urban Renaissance Agency ay may itinalagang pamantayan, alituntunin, pamamaraan at criteria para sa pamamahagi ng mga nasabing pampublikong pabahay.
Telepono ng Information Center: 0120-297-722 (Toll free) Suporta ng Salitang hapon
Oras: 9:00 – 18:00

(Saturday, Sunday at holidays, ang mga ibang local government ay magbibigay ng impormasyon lamang ng telepono.)
* Puwedeng tawagan ninyo itong telepono mula sa celphone, public phone, at Satelite phone.

日本語

3/21/2011

Free housing from individual

This site is for evacuees who look for the free house and donors of the houses or rooms.



For evacuees
1) click the icon
2) click green banner of right side
3) put the name of place by Nihongo or English where you want to stay into the column
4) you can see the list. (Nihongo only)


For donors
You can register your home or room for the evacuees by your self. You can write any limitation.


The AKM support your registration and search.