Showing posts with label Immigration. Show all posts
Showing posts with label Immigration. Show all posts

4/09/2011

Para sa mga taong walang-bisa na ang Certificate of Eligibility(在留資格認定証明書の有効期間)

Ika-6 ng Abril, 2011
Impormasyon tungkol sa kalamidad No. 101

Para sa mga taong walang-bisa na ang Certificate of Eligibility

Karaniwan, tatlong buwan ang takdang panahon ng Certificate of Eligibility. Nguni’t ngayon, kung nagpaliban kayo ng pagpasok sa Japan dahil sa epekto ng lindol at hindi nakapasok sa bansa sa loob ng takdang panahon, ituturing na mabisa pa ang inyong Certificate basta’t may dokumento kayong nagpapatunay na kayo ay natitiling “eligible”(may katayunan).

Tungkol sa detalye, pakitanong na lang sa General Information Center for Foreigners, Embahada, o Tanggapan Konsulado ng Japan.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

4/01/2011

Pagsangguni tungkol sa Visa(ビザの相談)

Ika-29 ng Marso 2011, 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No. 88

Pagsangguni tungkol sa Visa

Kung may itatanong kayo tungkol sa inyong visa, puwede kayong kumunsulta sa “Information Center” sa loob ng immigration office sa telepono. Makakuha kayo ng pankalahatang impormasyon tungkol sa visa o sa inyong pananatili. Kung may tanong na kinakailangan ang isang eksperto o nais ninyong magpalakad ng visa para sa inyo, maaari kayong kumunsulta sa immigration lawyer (GYOSEI SYOSHI sa salitang Hapon). Ang GYOSEISYOSHI ay isang dalubhasa na gumagawa o nag-aayos ng mga papeles na pang-sabmit sa mga opisina ng pamahalaan, tulad ng visa. Maaaring makahanap ng mga nakarehistrong GYOUSEISYOSHI sa mga samahan ng GYOSEISYOSHI sa bawa’t prefecture. Ang karamihan dito ay libre ang unang konsultasyon. Mayroon ding tinatawag na International Exchange Association/International Center (KOKUSAI KORYUKYOKAI) sa iba’t ibang lugar na nagbibigay ng libreng konsultasyon ng isang GYOSEISYOSHI. 
“Information Centers” ng imigrasyon
Salitang magagamit: Japanese, English, Korean, Chinese, Spanish etc.
022-298-9014(Sendai)
03-5796-7112(Tokyo)
045-769-0230(Yokohama)
052-559-2151、052-559-2152(Nagoya)
06-4703-2150 (Osaka)
078-326-5141(Kobe)
082-502-6060(Hiroshima)
092-626-5100(Fukuoka)

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

3/27/2011

Ukol sa pag-eextend ng visa (Ika-2)

Ika-26 ng Marso 2011, 15:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No. 75

Ukol sa pag-eextend ng visa (Ika-2)

Tulad ng inihayag sa Impormasyon No. 48 noong ika-19 ng Marso, kung hindi kayo makakapunta sa immigration at makakapag-extend ng visa dahil sa lindol, kahit hindi kayo pumunta sa immigration ngayon din, pwede kayong magpa-extend. Ang mga taong mabibigyan ng naturang konsiderasyon at pwedeng humaba ng period ng visa ay dapat mayroon ng lahat ng kondisyon A, B at C ngayon sa araw ng March 11.
A Balido ang inyong visa.
B Matatapos ang inyong visa bago August 30, 2011
C Noong nagkalindol, kayo ay nanatili o nakarehistro ng bilang dayuhan(alien registration) sa lugar na nakasulat sa ibaba:
  Aomori-ken, Iwate-ken, Miyagi-ken, Fukushima-ken, Ibaraki-ken

Karagdagan dito, ma-eextend din ang visa ng mga taong tumutupad ng dalawang kondisyong D at E. Ang bagong visa extension ay hanggang sa araw na ipinagkaloob ng immigration, na hindi lalampas ng August 31, 2011. Ang mga taong nangangailangan ng extension ay kailangang mag-submit sa immigration ng dokumentong nagsasaad ng iyong dahilan kung bakit kailangan ng extension (riyuusho), kasama ng isa sa mga sumusunod na permiso bilang ①~⑪.

D Mga taong nakatanggap ng isa sa mga sumusunod na permiso bilang ①~⑪ bago ng March 11, 2011, at ang tinutukol na permiso ay mawawalang bisa pagkatapos ng March 11, 2011.

① Permission for Landing at a Port of Call
② Permission for Landing in Transit
③ Landing Permission for Crew Members
④ Permission for Emergency Landing
⑤ Permission for Landing Due to Distress
⑥ Landing Permission for Temporary Refuge
⑦ Departure Period Pertaining to Revocation of the Status of Residence
⑧ Period Pertaining to a Request for a Hearing
⑨ Period Pertaining to the Filing of an Objection
⑩ Time Limit for Departure of a Departure Order
⑪ Period of Stay Pertaining to Permission for Provisional Stay

E Mga taong hindi nakalabas ng bansa o hindi nakapag-apply bago mawalang bisa ang permiso bilang ①~⑪ , o hindi magagawa ang mga ito sa hinaharap dahil sa pinsalang nakamit mula sa nasabing lindol.

Para sa datalye, magtanong lamang kayo sa immigration. (Ang mga sinusuportahang wika ay nag-iiba ayon sa araw ng pagtawag.)
 Consultation Support Center for Foreign Residents: 022-298-9014 (Sendai) 
 Oras ng telepono: (Mon-Fri) 9:00am – 12:00pm, 1:00pm – 4:00pm
 Wika: English, Chinese, Korean

Consultation Support Center for Foreign Residents: 03-5796-7112 (Tokyo) 
Oras ng telepono: (Mon-Fri) 9:00am – 12:00pm, 1:00pm – 4:00pm
Wika: English, Chinese, Korean, Spanish, Portuguese, Thai, French, Burmese

Consultation Support Center for Foreign Residents: 03-3202-5535 (Tokyo) 
Oras ng telepono: (Mon-Fri) 9:00am – 12:00pm, 1:00pm – 4:00pm
Wika: English, Chinese, Vietnamese, Indonesian, Spanish, Bengali
【Para sa karagdagang impormasyon】
 The multilingual support center for the Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean
email: tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語(在留期限の延長)

3/19/2011

Ukol sa pag-eextend ng visa

Ika-19 ng Marso 2011, 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.48

Ukol sa pag-eextend ng visa.

Kung hindi kayo makakapunta sa immigration at makakapag-extend ng visa dahil sa lindol, kahit hindi kayo pumunta sa immigration ngayon din, pwede kayong magpa-extend.
Ang mga taong mabibigyan ng naturang konsidarasyon at pwedng humaba ng period ng visa ay dapat mayroon ng lahat ng kondisyon A, B at C ngayon sa araw ng March 11.
A Balido ang inyong visa.
B Matatapos ang inyong visa bago August 30, 2011
C Noong nagkalindol, kayo ay nanatili o nakarehistro ng bilang dayuhan(alien registration) sa lugar na nakasulat sa ibaba:
 Aomori-ken, Iwate-ken, Miyagi-ken, Fukushima-ken, Ibaraki-ken

Para sa datalye, magtanong lamang kayo sa immigration.
Kung kailangan ninyong magtanong kaagad tungkol sa paglabas at pagpasok ng Hapon, tumawag lamang kayo ng number sa ibaba.
  03 – 3592 – 8120
 (9:00AM-5;00PM)

Kung sinabihan kayo ng pulis o city hall na natapos na ang inyong visa, mag-access lamang kayo sa URL na nakasulat sa ibaba at ipakita sa kausap ninyo.

http://eqinfojp.net/?p=1872

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

3/13/2011

Impormasyon ukol sa operation ng Immigration






Bumalik na ang kuriente sa Sendai Immigration Bureau sa umaga ng Marso 13, at sa hapon din ng nabanggit na araw ay naayos na rin ang pagpapanumbalik ng serbisyo/operation. Ang Sendai Immigration Bureau ay muling magbubukas at magbibigay serbisyo na tulad ng dati simula Marso 14(Lunes). 

Subalit sarado pa rin ang operation ng customs at immigration sa Sendai Airport. 
Magsasagawa ng 24-hour telephone service sa information center ng immigration (Nihongo lamang) mula sa Marso 12 ng hapon. 
Ang mga Immigration offices sa ibang lugar ay bukas na tulad nang dati. 

※Sendai Immigration Bureau (1-3-20, Gorin, Miyagino-Ku, Sendai-City)
Telepono sa Information Center (022-298-9014)

【Para sa Karagdagang Impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp




■ Consultation service regarding embarkation/residence (visa) status within the Sendai Regional Immigration Bureau administration
Telephone numbers
Sendai Regional Immigration Bureau: 022-256-6076 (main)
Aomori Branch Office: 017-777-2939
Morioka Branch Office: 019-621-1206
Akita Branch Office: 018-895-5221
Sakatako Branch Office: 0234-22-2746
Kooriyama Branch Office: 024-936-3231
Information Center: 022-298-9014
Available in Japanese 24 hours a day
However, the consultation service is available in Japanese, English and Chinese, from 9:00 a.m. to 4:00 p.m., Monday through Friday.
■ Contact information on airport immigration offices
Niigata Branch Office, Niigata Airport Terminal Bldg.
Phone: 025-275-4735
Narita Airport District Immigration Office, Narita Airport Second Terminal Bldg.
Phone: 0476-34-2222, 0476-34-2211
Haneda Airport District Immigration Office, Haneda Airport
Phone: 03-5708-3202, 03-5708-3211
■ Contact information on immigration procedures and office hours (as of March 16, 5 p.m.)
Please access to the following link for information on office hours for immigration procedures in Sendai Regional Immigration Bureau, Tokyo Regional Immigration Bureau and Higashi-Nihon Immigration Center: http://www.moj.go.jp/content/000071595.pdf