Ika-24 ng Marso, 2011 16:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.68
Impormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapainom ng tubig na galing sa gripo sa mga sanggol (No.2)
Sa ika-24 ng Marso, ang gobiyerno ng Chiba ay nagpahayag na nakita sa dalawang water purifying plant sa Chiba ang isang klaseng material na may halong radiation na tinatawag na “radioactive iodine 131” na halos doble ng standard level na puwedeng ipainom sa mga sanggol. At nag-utos din ang nasabing gobiyerno sa mga taong nakatira sa buong area ng Funabashi City, Ichikawa City, Kamagaya City, Urayasu City, at parteng area ng Chiba City, Narashino City, Matsudo City, Ichihara City, Narita City, Inzai City at Shiroi City na huwag ipainom ang tubig na galing sa gripo sa mga sanggol.
Ang mga lalawigan na nagbabawal ng pagpapainom ng tubig na galing sa gripo sa mga sanggol ay susunod (as of 4:00PM ng ika-24 ng Marso) :
area Local Government Unit
Buong area Funabashi City, Ichikawa City, Kamagaya City, Urayasu City
Parteng area Chiba City, Narashino City, Matsudo City, Ichihara City, Narita City, Inzai City, Shiroi City
Kung gagamitin ninyo ang mineral water para haluan ng powder milk, mas maganda kung gagamitin ang soft water kaysa sa hard water. Dahil maaaring mapadumi ang sanggol sapagka’t sobrang marami ang minerals sa hard water.
Ang shopping mall naman ng ITO YOKADO(イトーヨーカ堂) ay nagpahayag sa ika-24 ng Marso na uunahin nila ang mga pamiliyang may sanggol para bentahan ng tubig na naka-plastic container. Kapag dadalhin at ipapakita ninyo sa kanila ang Boshitecho(母子手帳) o maternal and child health handbook na nagpapatunay na may sanggol kayong isang taong gulang pababa, makakabili kayo ng isang tubig na naka-plastic container na dalawang litro bawat isang sanggol.
Depende sa kalagayan nilang istock ng tindahan kung ilan ang puwede nilang ibenta, ngunit ang pinaka marami ay isang daang countainer lamang sa isang araw sa lahat ng branch nila. Pasisimulan nila itong serbisyo sa kanilang 40branches sa Tokyo at Chiba, at simula ika-25 ng Marso naman ay gagawin din sa 117branches sa Kanagawa, Ibaraki, Tochigi at Gunma.
日本語
This is the special information site of Earthquake for foreigners especially for Filipino.The Anglican Kani Mission(AKM) is administrating this site. このサイトは、東日本大震災による外国人の被災者、ことにフィリピン人の被災者向けの情報サイトです。 聖公会の可児ミッションが運営しています。
Showing posts with label Water. Show all posts
Showing posts with label Water. Show all posts
3/26/2011
3/24/2011
Imormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapainom ng tubig na galing sa gripo sa mga sanggol
Ika-23 ng Marso, 2011 16:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.65
Imormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapainom ng tubig na galing sa gripo sa mga sanggol
Bandang 2:30PM ng ika-23 ng Marso, ang lokal na gobiyerno ng Tokyo ay nagpahayag na nakita ang isang klaseng material na may halong radiation na tinatawag na “radioactive iodine 131” na halos doble ng level na puwedeng ipainom sa mga sanggol (mas bata sa isang taong gulan), sa water purifying plant sa Tokyo.
Nag-utos ang gobiyerno ng Tokyo sa mga taong nakatira sa mga lalawigan ng Tokyo23-ku, Musashino City, Machida City, Tama City, Inagi City at Mitaka City na huwag ipainom sa mga sanggol ang tubig na galing sa gripo tulad na hinaluan ng powder milk.
Bukod pa sa Tokyo, sa ika-22 ng Marso ay nagpahayag din ang Ministry of Health, Labour and Welfare (MHLW) na nakita rin sa tubig na galing sa gripo ang nasabing radioactive material na mas mataas sa level na puwedeng ipainom sa mga sanggol sa limang lalawigan sa Fukushima prefecture tulad ng Date City, Koriyama City, Tamura City, Minamisoma City at Kawamata-machi, at nag-utos din na huwag ipainom ang tubig na galing sa gripo sa mga sanggol.
Ipagpapatuloy ng gobiyernong Hapon ang pag-momonitor ng radiation level.
Ang mga lalawigan na nagbawal ng pagpapainom ng tubig na galing sa gripo sa mga sanggol ay susunod (as of 3:00PM ng ika-23 ng Marso) :
*Binawal na ng MHLW ang paginom ng tubig na galing sa gripo simula noong ika-20 ng Marso hanggang ngayon sa mga nakatira sa Iitate-mura, hindi lang mga sanggol pati mga nakakatanda.
【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp
日本語
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.65
Imormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapainom ng tubig na galing sa gripo sa mga sanggol
Bandang 2:30PM ng ika-23 ng Marso, ang lokal na gobiyerno ng Tokyo ay nagpahayag na nakita ang isang klaseng material na may halong radiation na tinatawag na “radioactive iodine 131” na halos doble ng level na puwedeng ipainom sa mga sanggol (mas bata sa isang taong gulan), sa water purifying plant sa Tokyo.
Nag-utos ang gobiyerno ng Tokyo sa mga taong nakatira sa mga lalawigan ng Tokyo23-ku, Musashino City, Machida City, Tama City, Inagi City at Mitaka City na huwag ipainom sa mga sanggol ang tubig na galing sa gripo tulad na hinaluan ng powder milk.
Bukod pa sa Tokyo, sa ika-22 ng Marso ay nagpahayag din ang Ministry of Health, Labour and Welfare (MHLW) na nakita rin sa tubig na galing sa gripo ang nasabing radioactive material na mas mataas sa level na puwedeng ipainom sa mga sanggol sa limang lalawigan sa Fukushima prefecture tulad ng Date City, Koriyama City, Tamura City, Minamisoma City at Kawamata-machi, at nag-utos din na huwag ipainom ang tubig na galing sa gripo sa mga sanggol.
Ipagpapatuloy ng gobiyernong Hapon ang pag-momonitor ng radiation level.
Ang mga lalawigan na nagbawal ng pagpapainom ng tubig na galing sa gripo sa mga sanggol ay susunod (as of 3:00PM ng ika-23 ng Marso) :
prefecture | Local Government Unit |
Tokyo | Tokyo23-ku(Tokyo Metropolitan), Musashino City, Machida City, Tama City, Inagi City, Mitaka City |
Fukushima | Date City, Koriyama City, Tamura City, Minamisoma City, Kawamata-machi, *Iitate-mura |
【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp
日本語
Subscribe to:
Posts (Atom)