Showing posts with label Donation and loan. Show all posts
Showing posts with label Donation and loan. Show all posts

5/18/2011

Aplikasyon ng pagtanggap ng GIENKIN o tulong pinansyal(義援金受け取り)

Kung kayo ay napinsalaan ng nakaraang kalamidad tulad ng nakasaad sa ibaba, maaari kayong makatanggap ng GIENKIN o tulong pinansyal mula sa nalikom na donasyon ng Red Cross. Kailangang mag-apply sa mga lokal na pamahalaan upang makatanggap nito. Para sa detalye, makipag-ugnayan sa tanggapan ng inyong munisipyo (siyakusho o yakuba) o sa social welfare office ng inyong probinsiya.


[Iwate Prefecture]
May namatay o nawawalang tao/missing - 500,000 yen bawat isang tao
Nasira ang buong bahay (ZENKAI) - 500,000 yen bawat pamilya
Nasira ang kalahating bahay (HANKAI) - 250,000 yen bawat pamilya
Social Welfare Office of Prefecture (Tel. No. 019-629-6926)


[Miyagi Prefecture]
May namatay o nawawalang tao/missing - 350,000 yen bawat isang tao
Nasira ang buong bahay (ZENKAI) - 350,000 yen bawat pamilya
Nasira ang kalahating bahay (HANKAI) - 180,000 yen bawat pamilya
Social Welfare Office of Prefecture (Tel. No. 022-211-2516)


[Fukushima Prefecture]
May namatay o nawawalang tao/missing - 350,000 yen bawat isang tao
Nasira ang buong bahay (ZENKAI) - 400,000 yen bawat pamilya
Nasira ang kalahating bahay (HANKAI) - 230,000 yen bawat pamilya

Ang pamilyang nakatira sa loob ng 30 kilometro mula sa Fukushima Daiichi Power Plant o nakatira sa lugar na “Planned Evacuation Area“ - 400,000 yen bawat pamilya
Social Welfare Office of Prefecture(Tel. No. 024-521-7322)

4/26/2011

Ukol sa pag-re”register” sa National Information System for Refugees(「全国避難者情報システム」への登録について)

Ika-22 ng Abril, 2011 11:00

Ukol sa pag-re”register” sa National Information System for Refugees

“National Information System for Refugees” ay binuksan ng Ministry of Internal Affairs and Communications upang malaman ang tunay na kalagayan ng mga napinsala.

Sa pamamagitan nito, ang mga impormasyon katulad sa ibaba ay pwedeng ipadala sa mga napinsala mula sa bawat ng pamahalaan.

○Impormasyon tungkol sa pagbabayad ng MIMAIKIN (consultation money) atbp.

○Muling pagbibigay ng national health insurance card

○Impormasyon tungkol sa exemption o extension ng pagbabayad ng buwis tulad ng insurance atbp.
 
Puwede kayong mag-register sa sistema na ito sa mga pamahalaan na hindi napinsala. Isulat ninyo ang pangalan, araw at taon ng kapanganakan, kasarian, adres ng bahay bago mag-evacuate, adres na nakatira ngayon (evacuation center o bahay) sa “HINASYA JOUHO TEIKYO-SYO (Papel para sa pagbibigay ng impormasyon ng mga napinsala.)”

※Tanungin ninyo ang pinakamalapit na pamahalaan dahil iba’t iba ang tanggapan.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
Email: tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

Para sa mga napinsala ng aksidente sa Nuclear Plant(原子力発電所の事故で損害を受けた方へ)

Ika-25 ng Abril, 2011 11:00

Para sa mga napinsala ng aksidente sa Nuclear Plant

 Para mabigyan ng tamang kabayaran (bayad-pinsala) ang mga napinsala ng aksidente sa Nucler Plant, Ministry of Education and Science ay nagpaliwanag tungkol sa mga dokumentong maaaring kailanganin para mag-aplay sa bayad-pinsala, batay sa dokumentong kinailangan sa dating kalamidad. Magtago (maglipit) na lang kayo ng mga dokumentong nagpaaptunay ng pinsala, batay sa mga sumusunod.
 ○Dokumento katulad ng medical certificate sa sakit at sugat, at mga resibo sa pagpapagamot
 ○Dokumento tungkol sa pinsala sa kasangkapan sa bahay, paninda, gusali, at iba pa.
 ○Dokumento katulad ng madetalyeng ulat ng pamasahe para sa biglang pagtakas galing sa pinaruming lugar (contaminated area)
 ○Resibo sa ospital o klinika para siyasatin ang impluwensya ng radiation
 ○ Dokumentong nagpapatunay ng pagbabawas ng suweldo dahil sa pagtigil ng trabaho 
 ○Dokumento na nagpapatunay ng pinsala dahil sa hindi maitutuloy ang negosyo, katulad ng “Final Returns/Kakutei shinkoku-sho”(Dokumento ng income tax return).

Ang Tokyo Electric Company ay nagbabalak magbukas ng “Fukushima Nuclear Compensation Office”(Tanggapang ng Pagkonsulta tungkol sa Bayad-pinsala ng Power Plant sa Fukushima) sa ika-28 ng Abril. Ito ay eksklusibong tanggapan para magkunsulta tungkol sa kabayaran sa pinsala ng Nuclear Plant.

“Fukushima Nuclear Compensation Office”(Call Center)
  
Tel.no. 0120-926-404(Japanese only)Fax.no. 0120-12-8589(English OK)
Oras 9:00~21:00 (Lunes~Sabado)

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

4/22/2011

Ukol sa Certificate of Disaster Victim (Risai Shomei)(り災証明書について)

Ika-20 ng Abril, 2011 18:00


Ukol sa Certificate of Disaster Victim (Risai Shomei)

Ang mga biktima ng kalamidad na tulad ng mga nasiraan ng bahay ay kinakailangang magkaroon at magpakita ng ilang importanteng dokumento/sertipikasyon para matamasa ang mga serbisyong naglalayong magbigay suporta sa mga biktima. Karamihan sa mga serbisyong ito ay nangangailangang isumite ang “Certificate of Disater Victim (Risai Shomei)”

○Ang Certificate of Disater Victim ay 

・isang dokumento na nagpapatunay ng antas ng pagkakapinsala ng bahay. 
・Kailangan ng masusing investigasyon o pagsusuri ng mga kaukulan para malaman ang antas ng pinsala at kailangan maghintay ng mga ilang araw para makakuha ng certificate na ito. 
・Ang mga sumusunod ay mga serbisyo kung saan kailangan isumite ang Certificate of Disater Victim.
Hisaisha Seikatu Saiken Shienkin(Natural Disaster Victims Relief Aid), Gienkin(Public Donation), Exemption ng hulog sa National Health Insurance、Saigai Fukkou JyutakuYushi (Disaster Restoration Housing Loan), Ang sebisyo para sa temporaryong pag-ayos ng bahay,  Para sa pagpasok sa temporaryong pabahay o public housing, Para sa pagtangap ng text books ng libre.

Para sa aplikasyon ng “Certificate of Disaster Victim”, magkakaiba ang kailangan na papeles, paraan ng imbestigasyon at panahon ng pagbibigay ng certificate depende sa municipalidad. Para sa karagdagan impormasyon, makipag-ugnayan sa municipalidad.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

Impormasyon ukol sa Mitsubishi Corporation Urgent Scholarship program(三菱商事緊急支援奨学金について)

Ika-20 ng Abril, 2011 18:00

Impormasyon ukol sa Mitsubishi Corporation Urgent Scholarship program

The Japan Educational Exchanges and Services ay nagsimula ng urgent scholarship program sa tulong ng Mitsubishi Corporation. Tumatanggap sila ng aplikasyon ngayon sa “Mitsubishi Corporation Urgent Support Scholarship program”.

○Mga estudyanteng mabibigyan ng scholarship:
Kung sino ang maka-match sa lahat ng condition na susunod:
① Estudyante ng undergraduate o masteral course ng 4years university, o 2years university sa Japan as of April,2011, 
② Estudyanteng mahihirapang ipagpatuloy ang pag-aaral dahil ang pinaka kumikita sa pamilya ay nasalanta sa kalamidad at naging biktima ng pinssala tulad ng pagkawlan ng trabaho, pagkalugi ng negosyo, aksidente, pagkasakit, pagiging missing o pagkamatay.
③ Malusog ang katawan at isip, serioso at sabik mag-aral.
④ Estudyanteng hindi tumatanggap ng ibang scholarship pagkatapos ng April,2011. Puwedeng mag-apply sa scholarship na ito kung ang scholarship na natatanggap ay utang at kailangang bayaran.
⑤ Estudyanteng puwedeng kumuha ng endorsement galing sa presidente ng unibersidad.
※ Puwede rin mag-apply ang mga estudyanteng dayuhan kung naka-match sa lahat ng nasabing kondisyon.
○Halaga ng scholarship: 100,000yen sa isang buwan (Hindi na kailangang bayaran)
○Numero ng estudyanteng mabibigyan ng scholarship: 500
○Duration ng pagbibigay ng scholarship: April,2011 〜 March, 2012
○Pag-aaply: 
Dapat sa pamamagitan ng unibersidad kayo mag-apply. Makipagkonsulta kayo sa staff ng inyong
unibersidad na naka-asign sa scholarship program para sa karagdagang impormasyon tulad ng 
application form.
○Duration ng pagtanggap ng application form mula sa unibersidad: 
April.19, 2011 Tuesday 〜 May.31, 2011 Tuesday (Dapat makarating sa association by May.31)
Makipagkonsulta kayo sa unibersidad na pinapasukan ninyo tungkol sa deadline ng aplikasyon sa unibersidad.
Pagpapasyahan ang mga scholar pagkatapos ng screening process. Ipapaalam ang resulta sa mismong nag-apply sa gitna ng June,2011 sa pamamagitan ng unibersidad.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

4/20/2011

Impormasyon ukol sa pagsuporta sa pansamantalang pag-aayos ng bahay(住宅の応急修理制度について)

Ika-18 ng Abril, 2011 16:00

Impormasyon ukol sa pagsuporta sa pansamantalang pag-aayos ng bahay

Kung paaayusin ninyo ang bahay na nasira dahil sa Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean, matatanggap ninyo ang suporta sa bayad. Pansamantalang pagpapaayos o temporary repair lamang ito. Ang mga susuportahan ay ang mga pamiliyang walang pangbayad sa pansamantalang pagpapaayos. Ang maximum suporta ay 520,000 yen bawat pamilya. Ang mga puwedeng paayusin ay ang mga parte lamang ng bahay na kinakailangan sa pang-araw-araw na buhay tulad ng bed room, kusina o CR. Kailangan din maka-match sa ilang condition tulad ng level ng pagkasira ng bahay at kinikita ng pamiliya para makatanggap ng suporta. 
※ Hindi puwedeng mag-apply sa pansamantalang pabahay o Kasetsujutaku kapag nakatanggap kayo ng suporta ng temporary repair.

Makipagkunsolta kayo sa tanggapan ng Local Government Unit para sa karagdagang impormasyon tulad ng pag-aaply, mga requirements o condition ng pagkasira.

【Para sa karagdagang impormasyon】
 The multilingual support center for the Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean
email: tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

Tungkol sa pondo para sa pagsasaayos ng pamumuhay ng mga biktima ng kalamidad(被災者生活再建支援金)

Ika-18 ng Abril, 2011, 16:00
Tungkol sa pondo para sa pagsasaayos ng pamumuhay ng mga biktima ng kalamidad
Batay sa batas para sa pagsasaayos ng pamumuhay ng mga biktima ng kalamidad oNatural Disaster Victims Relief Law, ibibigay ang pondo sa mga pamilyang napinsala ang tinitirahan.

○Ang halagang ibibigay ay kabuuan ng dalawang uri ng pondo (sumusunod).
Kung isa lang ang miyembro ng pamilya, magiging 3/4 lamang ng kabuuang halaga ang ibibigay.

1. Batayang pondo (ibibigay ayon (depende) sa kundisyon ng pinsala ng bahay)
Kundisyon ng pinsala         halaga
Nasira ang buong bahay        1milyon Yen
Nasira ang malaking bahagi ng bahay  0.5 milyon Yen
2. Karagdagang pondo (ibibigay ayon sa paraan ng pagsasaayos ng bahay)
Paraan ng pagsasaayos ng bahay   halaga
Magpapatayo o bibili ng bago     2 milyon Yen
Magpapakumpuni          1 milyon Yen 
Uupa (maliban sa public housing)      0.5 milyon Yen 

○Pamilyang bibigyan ng pondo

1. pamilyang nasira ang buong bahay
2. pamilyang nasira ang bahagi ng bahay o kinailanganang gibain ang bahay dahil napinsala ang lupang tinatayuan nito
3. pamilyang hindi makakatira sa bahay nang pangmatagalan dahil sa pagpapatuloy ng mapanganib na kundisyon gawa ng kalamidad.
4. pamilyang nasira ang bahagi ng bahay at mahirap makatira sa nasabing bahay kung hindi kukumpunihin nang malaki (pamilyang nasira ang malaking bahagi ng bahay)

Para mag-aplay sa pondo, kailangan ng mga dokumentong tulad ng “Certification of disaster-victim/Sertipiko ng biktima ng kalamidad” (Risai-shomeisho). Tungkol sa detalye, pakitanong na lang sa municipal office ng inyong tinitirahan.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

4/18/2011

Pagbabawas at Paglilibre ng Pampagamot (医療費の減免)

Ika-15 ng Abril, 2011 14:00


Pagbabawas at Paglilibre ng Pampagamot

Ang Minstry of Health, Labour and Welfare ay naglilibre ng pagpagamot sa ospital ng mga taong naapektuhan. Ang mga nawalan ng national/social insurance certificate (Hokensyo) ay puwede ring magpatingin.
Ang mga taong nasasakop ng serbisyong ito ay,
ang mga mamamayan sa mga pook na naaaplayan ng Patakaran ng Pagliligtas sa Kalamidad (Saigai kyuujo hou) na
1) nasiraan ng bahay nang buo o bahagi,
2) namatay ang pangunahing nagtatrabaho sa pamilya o nagkaroon ng matinding pinsala sa katawan,
3) nawawala ang pangunahing nagtatrabaho sa pamilya,
4) nasira o nahinto ang negosyo ang pangunahing nagtatrabaho sa pamilya,
5) nawalan ng trabaho at wala nang kinikita ang pangunahing nagtatrabaho sa pamilya o
6) inutusang lumikas o manatili sa loob ng gusali dahil sa aksidente ng Fukushima No.1 at No. 2 Nuclear Power Plant
(pati na rin ang lumipat pagkatapos ng lindol).

Maaari lamang itanong sa opisyal sa munisipyo, evacuation center staff o inyong pripektura para malaman kung kayo ay nasasakop ng serbisyong ito.
Bukod dito, ang Minstry of Health, Labour and Welfare ay nagpaplano ng paglilibre ng pampagamot sa mga nakatira sa“Planned Evacuation Area”. Magbibigay kami ng karagdagang impormasyon pagka nalaman na ang mga detalye nito.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

4/16/2011

Pagbabayad ng provisional compensation payment(仮払補償金の支払いについて)

Ika-15 ng Abril 2011 14:00
Tungkol sa Kalamidad No.116

Pagbabayad ng provisional compensation payment

Ang Tokyo Electric Power Company(TEPCO) ay nag-anunsyo na magbibigay ng provisional compensation para mabayaran ang pang-araw-araw na pangagailangan ng mga apektado ng pagkalat ng radiation ng nuclear plant noong ika-15 ng Abril.
Ang mga maaaring tumangap ng konpensasyon na ito ay ang mga tumira sa lugar na kailangang mag-evacuate, o di kaya’y sa mga taong hindi nakakalabas ng bahay dahil sa pag-utos ng pamahalaan para iwasan ang radiation. Babayaran ang 1,000,000yen sa isang pamilya at 750,000yen para sa single-person household.

Ang mga lugar na kinailangang mag-evacuate ayon sa utos ng pamahalaan ay Minamisoma-City, Iitate-Mura, Namie-Machi, Futaba-Machi, Okuma-Cho, Tomioka-Machi, Naraha-Machi, Hirono-Machi, Katsurao-Mura, Kawauchi-Mura, Tamura-City at Iwaki-City. 

May pagpapaliwanag hinggil sa kompesasyon na ito sa bawat evacuation center at iba pang lugar. Magbibigay doon ng application form. Magkakaroon ng consultation counter hinggil dito mula sa ika-28 ng Abril. 

Makakaasang may pag-uulat sa mga susunod na araw kapag may karagdagang detalye hinggil sa konpensasyon na ito. 


【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

4/13/2011

Pagbabahagi ng Gienkin Donasyon(義援金の支給について)

Ika-11 ng Abril 2011 14:00
Impormasyon tungkol sa Kalamidad No.108

Pagbabahagi ng Gienkin Donasyon

Nagpasiya ang Gobiyerno ng pamantayang halaga ng unang pagbabahagi ng gienkin donasyon noong ika-8 ng Abril, Biyernes. 128.3 bilion yen na ang nakatipon bilang donasyon o iba pa mula sa buong mundo, na inukol sa kalamidad na ito.

Halaga ng Unang Pagbabahagi
Taong Namatay o Nawawala¥ 350,000- kada tao
Bahay na Nasira / Nasunog nang Buo¥ 350,000- kada bahay
Bahay na Nasira / Nasunog nang Kalahati¥ 180,000- kada bahay
Bahay na sa loob ng 30km mula sa Fukushima No. 1 nuclear plant¥ 350,000- kada bahay

Patakarang isali dito sa mga makakatanggap ang mga dayuhan at nagbibiyahe, at napinsala pati ng after shock.
Batay sa pamantayang ito, ang mga Pripektura ay magpapasiya ng halaga ng pagbabahagi at kung sinu-sino ang makakatanggap nang opisyal sa bawat lalawigan at magbibigay nito sa mga naapektahan sa pamamagitan ng iyong munisipalidad. Magbibigay-alam ang inyong munisipalidad kapag napasiyahan ang detalye, katulad ng kung kailang ibibigay. Para makontak kayo kahit kayo’y nasa evacuation center, magpaalam kayo sa munisipalidad ng tirahan ninyo noong nagkalindol.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

Bago kayo mag-loan (貸付制度を利用する際に)

Ika-11 ng Abril, 2011 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.111

Bago kayo mag-loan 

Inihayag po namin ang impormasyon tungkol sa loan o pag-uutang para sa mga apektado ng kalamidad, tulad ng no.69, 81, 97 at 105. Kung nais ninyong gamitin ang mga loan system na nakasaad sa naturang impormasyon, siguraduhin ang mga bagay na sumusunod.

・May mga allowance din na posibleng tanggapin ng mga taong naapektado ng kalamid, tulad ng GIENKIN donasyon, consultation payment/MIMAIKIN at unemployment benefit/ SITSUGYO TEATE. Bago mag-apply ng mga loan, alamin po ninyo ang tungkol sa mga allowance at pakitanong lamang po sa mga opisyales ng city hall o staff ng evacuation center kung maaari ninyong tanggapin ang mga ito.
・Iba iba ang mga sistema ng loan; iba ang halaga ng interes. May mga loan na hindi kailangang magsimula kaagad ng pagbabalik (tinatawag na “extension period”) , ngunit hindi rin pareho ang haba ng panahon nito. Para sa detalye, mangyari ay makipag-ugnayan sa mga tanggapan ng munisipyo. 
Kung kayo ay nakapag-apply na at nagsimula ng pagtatanggap ng mga loan, posibleng hindi na kayo mag-apply ng ibang benepisyo. Sigraduhing alamin ang mga detalye nito sa mga tanggapan ng city hall. 

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

Welfare Fund Loan for Single Mother Families and Widows(母子寡婦福祉資金貸付)

Ika-8 ng Abril 2011 12:00
Impormasyon tungkol sa Kalamidad No.105

Welfare Fund Loan for Single Mother Families and Widows

Ang mga single mothers at menor de edad (wala pang 20 anyos) na walang magulang ay maaring umutang na walang interest o mababa lang ang interest kapag kailangan ng pera para sa pag-aayos o paglipat ng bahay, o pagpapagamot(healthcare) o pag-aral.

○Ang mga maaring umutang ay ang mga sumusunod
(1)Single mother (Babaeng walang asawa na nag-aalaga ng batang menor de edad(wala pang 20 anyos)
(2)Biyuda(dating single mother na hindi na dependent ang kaniyang anak)
(3)Batang walang mga magulang (Wala pang 20 anyos
(4)Batang sinusuportahan o dependent ng single mother
(5)Taong mas matanda sa 20 anyos na dependent pa sa single mother.
(6)Babaeng mas matanda sa 40 anyos na walang asawa at wala ring bata na dependet sa kanya.
Maaring makipag-ugnayan sa munisipaliad kung saan nakatira. Kung gustong umutang sa loan na ito, kumunsulta muna sa staff ng munisipalidad o sa nakatalagang opisyal ng evacuation center.


【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

日本語

4/05/2011

Tungkol sa pagpapautng /loan ng mga gastos para sa pamumuhay at kapakanan(生活福祉資金貸付)

Ika-3 ng Abril, 2011
Impormasyon tungkol sa kalamidad No. 97

Tungkol sa pagpapautng /loan ng mga gastos para sa pamumuhay at kapakanan

Ang mga pamilyang napinsala ng lindol ay puwedeng umutang ng gastos para sa pamumuhay hanggang 100,000 Yen. Ang mga pamiliyang may namatay o may kailangang alagaan ay puwedeng umutang hanggang 200,000 Yen.

○Panahon ng pagpapaliban/balam: Walang pagbabayad sa loob ng isang taon.
○Takdang panahon ng pagbabayad : sa loob ng dalawang taon
○Tubo : Wala
○Guarantor : Hindi kailangan
○Tanggapan : Social Welfare Council sa bawa’t bayan

※ Iwate Prefecture Social Welfare Council : mula Ika-22 ng Marso (Martes)
※ Miyagi Prefecture Social Welfare Council : mula Ika-27 ng Marso (Linggo)
※ Fukushima Prefecture Social Welfare Council : mula Ika-4 ng Abril (Lunes)(nakatakda)

Puwede ring mag-aplay sa Social Welfare Council na nasa ibang prefectura na nagtatanggap ng evacuees, katulad ng Tokyo, Saitama, Hokkaido, Aomori, Tochigi, Nagano, at Chiba. Ang bilang ito ay 30.
Kung gusto ninyong mag-aplay sa pagpapautang, kumunsulta muna kayo sa mga empleyado ng municipio o taga-pamahala ng Evacuation Center.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

日本語

3/31/2011

Ang mga sistema para masuportahan ang mga gastusin para sa araw-araw na pangangailangan(生活資金の支援制度)

Ika-28 ng Marso 2011
Tungkol sa Kalamidad No.81

Ang mga sistema para masuportahan ang mga gastusin para sa araw-araw na pangangailangan

May mga ilang public support system na tutulong sa mga biktima ng kalamidad para magkaroon sila ng perang pangbayad para sa araw-araw na pangangailangan 
○Ang abuloy sa mga naiwang pamilya (Condolence money for natural disaster/ Saigai Choui Kin)
  Saigai Choui Kin ay abuloy para sa mga pamilyang may namatay dahil sa kalamidad. 
○Ang abuloy sa mga naging handicaped dahil sa kalamidad (Disablement consolation payment for natural disaster/Saigai Shougai Mimaikin) 
  Saigai Shougai Mimaikin ay abuloy para sa taong nagkaroon ng malalang kapansanan dahil sa kalamidad.

○Loan para sa mga naapektuhan ng kalamidad (Natural Disaster Victims Relief Loan/Saigai Engo Shikin Kashitsuke)
  Ito ay isang sistema kung saan pwedeng makautang ang isang pamilya kung ang kanilang “head of the family” ay nasugatan o napinsala, o ang kanilang tirahan at mga gamit sa bahay ay nasira o napinsala dahil sa kalamidad.

○Tulong/suporta para sa mga naapektuhan ng kalamidad (Natural Disaster Victims Relief Aid/Hisaisha Sekatu Saiken Shienkin)
Hisaisha Seikatu Saiken Shienkin ay isang suporta na babayaran sa mga nawalan ng bahay dahil sa pagkasira ng buong bahay. Kahit kalahati lang ng bahay ang nasira ay maaring bayaran din ito. Ang halaga ng suporta ay ayon sa level ng pagkakasira ng bahay.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa tanggapan ng municipalidad kung saan tumira noong panahon na may kalamidad.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語(生活資金の支援制度)

3/26/2011

Exemption sa pagbayad ng hulog sa National Health Insurance para sa mga apektado ng kalamidad o nawalan ng trabaho, at pamamaraan para magkaroon ng pangbayad para sa pang araw-araw na pangangailangan.(被災や失業に伴う国民健康保険料の減免、生活費の確保)

Ika-24 ng Marso 2011, 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.69

Exemption sa pagbayad ng hulog sa National Health Insurance para sa mga apektado ng kalamidad o nawalan ng trabaho, at pamamaraan para magkaroon ng pangbayad para sa pang araw-araw na pangangailangan.

1.Exemption sa pagbayad ng hulog sa National Health Insurance para sa mga apektado ng kalamidad o nawalan ng trabaho
May mga municipalidad na nagbabawas o nagbibigay ng exemption sa hulog sa National Health Insurance para sa mga biktima ng kalamidad (Ang halaga ng pagbabawas ay magkakaiba depende sa municipalidad.) 
 Kahit hindi direktang apektado ng kalamidad, kung nawalan ng trabaho dahil sa pagkatanggal o pagkalugi ng kompanyang pinapasukan, maari din magpabawas ng hulog sa Insurance, depende sa kalagayan. Subalit ang pagbabawas na ito ay para sa mga tumatangap ng Unemployment Benefit lamang at may ilang kondisyon na kailangang makamit. Kung gustong kumuha ng nasabing exemption o pagbabawas, kailangang mag-apply sa mga municipalidad na nagsasagawa nito. 
 Makipag-ugnayan sa:Tangapan ng municipalidad kung saan nakarehistro ang inyong address.
2.Pamamaraan para magkaroon ng pangbayad para sa pang araw-araw na pangangailangan 〜Pag-utang sa mababang interest〜
  Maaring gamitn ang loan system sa mababang intereset para makakuha ng pera para sa pang araw-araw na pangagailangan. Ang mga biktima ng kalamidad ay maaaring umutang hanggang 200,000yen sa isang pondo na tinatawag na Kinkyu Koguchi Shkin(Emergency Petty Cash Fund) at inaasikaso ito ng Social Welfare Council ng municipaldad. Ang Sougou Shien Shikin (General Support Fund) naman ay isang pondo para sa mga nawalan ng trabaho. Maaring umutang dito hanggang 200,000yen at hanggan sa 1 taon. 
Makipag-ugnayan sa:Social Welfare Council ng Municipalidad kung saan nakarehistro ang inyong address. 



日本語