Showing posts with label Evacuation Center. Show all posts
Showing posts with label Evacuation Center. Show all posts

4/04/2011

Pag-aalaga ng bata kapag may emergency(非常時の子育て)

 “Alagaaan natin ang lahat ng mga bata”

Laging kinakabahan at nagsisikap po talaga ang mga magulang sa napinsalang lugar dahil kailangan nilang mag-alaga ng mga kanilang anak. Natural lamang ang umiyak at mag-ingay ang mga bata sa ganitong situwasyon. Sana po maintindihan po natin sila.
○Natural po lamang laging maiinisin ang isang tao sa oras ng emergency dahil matindi ang stress. Kung sisisihiin ninyo ang sarili ,lalong lalala ang strees. Tangapin at huwag po sanang sisisihin ang sarili ninyo.
○Hindi pa kayang magpaliwanag ang maliit na bata ng kanilang damdamin, tulad ng takot o pag-alala. Kaya hindi nilang kayang ilabas ang kanilang damdamin. Bigyan natin sila ng attention at pagmamahal. Kapag nakita ninyo sila, tandaan na yakapin o kargahin sila upang mawawala ang kanilang pangangamba. 
○Iwasang nating laging panoorin nila ang mga balita tungkol sa kalamidad, dahil lalo silang mag-alala at ma-istress. 
○Maroon batang naglalaro ng “JISHINGOKKO”daw sa evacuation center at iba pang lugar. Ito ay pag-uulit ng kanilang karanasan o pagpapanggap na sila ay nililindol uli. Ito ay isang proseso na para makalimutan ang kanilang pagkatakot o pangangamba na naramdaman nila noong lindol. At sa pamamagitan ng ganitong laro, unting unting magiging malakas ang kanilang loob. Sana maintindihan natin po sila at huwag sanang tigilan sila kapag nakita na naglalaro ng ganito. 


日本語


“Pag-alaga sa kalooban ng mga bata”

Pareho lang sa mga matatanda, nag-aalala din ang mga bata dahil sa kanilang karanasan sa kalamidad. Maiging ibahagi ng mga matatanda ang mga saloobin nila sa mga bata nang sa gayon ay mapanatag din ang kanilang kalooban.

○May mga batang mag-iiba ang pagkilos at maaring maging tulad ng sanggol o mas bata pa sa totoong edad. Maari ding bigla silang naging makasarili or madamot, emotionally dependent o masyadong malambing, o umiihi sa salawal. Gayon pa man, huwag silang pagalitan. Sa halip ay kailangang maging matiyaga, matiisin at hintayin ang pagiging nomal ng kanilang pagkilos.

○Makakatulong na mapanatag ang kalooban ng bata kung sila ay madalas na yayakapin, kausapin sila ng malumanay, o di kaya’t makipaglaro sa kanila. At kung nararamdaman ng mga bata na sila ay makakatulong sa iba, magkakaroon din sila ng positibong kalooban at pagtingin sa buhay. Bigyan sila ng pagkakataong tumulong sa mga simpleng gawain.

○Kapag nag-aalala ang mga bata, maaring magiging makulit sila at paulit-ulit ang pagbanggit ng parehong tanong. Kahit pareho lang ang kanilang tinatanong, hangga’t maari ay laging sagutin ito ng maayos. 



日本語

3/27/2011

Mag-ingat kayo sa pagkalason ng carbon monoxide.

Ika-26 ng Marso, 2011 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.77

Mag-ingat kayo sa pagkalason ng carbon monoxide.

Sa mga evacuation center sa lugar na nasalanta na wala pang kuryente, at sa mga lugar na may nakatakdang brown out(Planned Brown-out) tulad ng Kanto area ay ginagamit ang generator para magkaroon ng kuryente.
Nasa labas ng building siguro ang generator, ngunit maaaring malason kayo ng carbon monoxide kapag nasa malapit sa pasok-labasan ng evacuation center ang generator o papunta sa inyo ang hangin.
Kung sumasakit ang ulo o sumasama ang pakiramdam ninyo at malapit kayo sa generator, posibleng malason kayo sa carbon monoxide na galing sa generator.
Sabihin ninyo sa mga medical staff na ilipat ang generator o buksan ang ibang bintana o pinto upang pumasok ang preskong hangain. 

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean
email: tabumane110311@yahoo.co.jp

Ingat kayo sa pagkain, at panatilihin maayos ang kalagayan ng inyong katawan

Ingat kayo sa pagkain, at panatilihin maayos ang kalagayan ng inyong katawan

Batay sa karanasan ng nakaraang malaking kapahamakan, nalaman nating tumataas ang blood pressure kung tumatagal ang pagtigil sa Evacuation Center.
Dahil sa stress at kakulangan ng tulog pagkatpos ng kapahamakan, maaaring gusto ninyong kumain ng maalat na pagkain. Nguni’t, iwasan ninyo ang sobrang asin para manatiling maayos ang blood pressure. Inumin ninyo ang maraming tubig.
Grabe pa ang kalamigan, nguni’t lumalapit nang unti-unti ang tag-sibol (spring).
Ingat kayo sa pagkain para hindi tumaas ang blood pressure, at iwasan ninyo ang mga sakit.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Tohoku Earthquake at Pacific Ocean.
E-mail: tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

3/26/2011

Tungkol sa pagpigil ng impeksiyon sa evacuation center

Ika-24 ng Marso 2011, 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.70

Tungkol sa pagpigil ng impeksiyon sa evacuation center

Dahil sa kakulangan ng pagkain at pahinga maaaring manghina ang katawan at magkasakit. Karaniwang sakit na pwedeng makuha ay trangkaso, sipon, at pagtatae, dulot ng paninirahan ng marami at sama-samang tao sa isang lugar.

Para pagtigil ng impeksiyon (Trangkaso, sipon, pagtatae at iba pa)
1) Panatiliing malinis ang mga kamay. Pinapayuhang hugasan ang mga kamay ng mabuti pagkatapos mag-CR, bago kumain, at pagkatapos tulungan ang mga bata at matatanda sa banyo o palikuran.

* Sa kakulangan o kawalan ng tubig, maaaring gumamit antiseptiko na may alcohol o wet tissue sa paglilinis ng inyong mga kamay.

2) Magsuot ng mask
* Kung ang supply ng mask as hindi sapat, paunahing bigyan ang mga taong nilalagnat, bumabahing, at may ubo’t sipon.

* Sa mga hindi nakakuha ng mask, lalong-lalo na sa may ubo’t-sipon, pinapayuhan po na takpan ang inyong bibig at ilog ng panyo o tissue kapag kayo ay babahing, lumayo ng 1 metro o higit pa sa ibang tao, at itapon kaagad sa basurahan ang tissue na inyong ginamit.

3) Magsuot ng gloves at mask kung kayo ay maglilinis o magtatapon ng suka o dumi ng tao.

4) Kung maari bukasan ang mga bintana para sa bentilasyon ng hangin

5) Kapag kayo ay magluluto o gagawa ng Onigiri, masgsuot ng gloves para maiwasan ang pagdikit ng baktirya dito.

6) Kapag kailangang initin ang pagkain, initin ito ng mabuti.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean
e-mail: tabumane110311@yahoo.co.jp



日本語

3/24/2011

Para sa mga taong may iniinom na gamot

Ika-23 ng Marso, 2011 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.67

Para sa mga taong may iniinom na gamot

Sa mga taong nakatira sa “Evacuation Center”, mayroon yatang taong umiinom ng gamot bago lumipat sa center. Ngunit, marami yatang hindi nakapagdala ng gamot nang lisanin ang bahay.
Kung may sakit kayo at may iniinom na gamot sa bahay, sabihin n’yo na lang sa mga “medical staff”.
Lalo na kung may karanasan kayong magkaroon ng Atake sa utak (Stroke; (Cerebral) apoplexy), Cerebral infarction, Sakit sa puso, Diabetes at iba pa, sabihin n’yo agad sa mga medical staff.
OK lang, kahit hindi ninyo alam ang tunay na pangalan ng gamot.
Kung natatandaan ninyo ang mga payo o sinasabi sa inyo ng doktor, sabihin n’yo rin sa medical staff.
Importante ang magsimulang uminom ng gamot sa lalong madaling panahon.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Tohoku Earthquake at Pacific Ocean.
E-mail: tabumane110311@yahoo.co.jp

日本語

3/19/2011

Para sa mga taong may edad na nasa evacuation Center

Ika-19 ng Marso, 2011 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad no.52

Para sa mga taong may edad na nasa evacuation Center

Hindi po pwedeng gumawa ng daan sa evacuation center dahil magsiksikan at walang space. Sinsabi po ninyo siguro sa mga matatanda sa evacuation center, “Dyan na lang po kayo”. “Ako na po ang bahalang gawin yan. Pahinga na lamang po kayo dyan”. 
Dapat natin sasabihin ng ganito para isaalang-alang sa kanila. Ngunit, ang mga taong may edad na ay posibleng hindi na kayang gumalaw, kung hindi nila gamitin ang kanilang katawan. Kung hindi sila gagalaw sa isang sitwasyon, mas mahirap na sa kanila ang gumalaw. Kaya mahalaga din ang exercice sa kanila.
Huwag kalimutang sundin ang mga bagay para makapag-exercise ang mga evacuees. 
・Sa araw, itabi nyo po lamang ang mga kumot upang hindi basta-basta magpahiga ang tao.
・Gumawa kayo ng daan sa evacuation center upang madali sa kanila ang maglakad-lakad.
・Huwag ninyong kalimutan ang mag-exercise, maaari kayong mamasyal. Kahit nasa evacuation center, huwag kayong mahihiya. 
Mahalaga ang pamamahinga para sa mga evacuees. Pero, tandaan din po natin na mahalaga ang exercise.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

Babala sa mga dumadalaw at volunteer sa evacuation center

Ika-19 ng Marso, 2011 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.51

Babala sa mga dumadalaw at volunteer sa evacuation center

Sa mga evacuation center, masikip at mahirap makapasok ang preskong hangin. Mahirap ding panatilihin ang kalinisan o sanitation dahil kulang ang mask at tubig na panghugas ng kamay at pangmomog.. 
Sa ganitong kalagayan, ang pinaka importante ay iwasan madala ng virus at germs galing sa labas ng evacuation center. Ang mga nakakahawang sakit tulad ng flu ay hindi basta-basta lumalabas nang kusa, kundi nadadala ng mga tao galing sa labas.
Dahil dito, kayong mga dumadalaw at volunteer sa evacuation center ay kailangan mag-control nang mabuti ang inyong condition ng kalusugan. Magsuot ng mask at huwag ninyong kalimutang mag-sanitizer bago pumasok sa center para maiwasan madala ang mga virus at germs galing sa labas. 

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean 
Email: tabumane110311@yahoo.co.jp