Showing posts with label Evacuation. Show all posts
Showing posts with label Evacuation. Show all posts

4/26/2011

Ukol sa pag-re”register” sa National Information System for Refugees(「全国避難者情報システム」への登録について)

Ika-22 ng Abril, 2011 11:00

Ukol sa pag-re”register” sa National Information System for Refugees

“National Information System for Refugees” ay binuksan ng Ministry of Internal Affairs and Communications upang malaman ang tunay na kalagayan ng mga napinsala.

Sa pamamagitan nito, ang mga impormasyon katulad sa ibaba ay pwedeng ipadala sa mga napinsala mula sa bawat ng pamahalaan.

○Impormasyon tungkol sa pagbabayad ng MIMAIKIN (consultation money) atbp.

○Muling pagbibigay ng national health insurance card

○Impormasyon tungkol sa exemption o extension ng pagbabayad ng buwis tulad ng insurance atbp.
 
Puwede kayong mag-register sa sistema na ito sa mga pamahalaan na hindi napinsala. Isulat ninyo ang pangalan, araw at taon ng kapanganakan, kasarian, adres ng bahay bago mag-evacuate, adres na nakatira ngayon (evacuation center o bahay) sa “HINASYA JOUHO TEIKYO-SYO (Papel para sa pagbibigay ng impormasyon ng mga napinsala.)”

※Tanungin ninyo ang pinakamalapit na pamahalaan dahil iba’t iba ang tanggapan.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
Email: tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

4/22/2011

Ang mga lugar na nasa loob ng 20KM mula sa nuclear plant ay itinuturing bilang “Caution Zone” (半径20キロ圏内の地域を「警戒区域」に)

Ika-21 ng Abril, 2011 


Ang mga lugar na nasa loob ng 20KM mula sa nuclear plant ay itinuturing bilang “Caution Zone” 

  Sa Abril 21, ang pamahalaan ay nag-anunsyo na ang mga lugar na nasa loob ng 20km radius mula sa Fukushima Daiichi Nuclear Plant ay itinuturing bilang “Caution Zone” at ipinagbabawal ang ang pagpasok sa lugar mula hating-gabi ng Abril 22. Ang mga hindi sumunod sa panukalang ito ng pamahalaan ay maaring maparusahan. 

Ang mga lugar na itinuturing bilang “Caution Zone”ay ang mga sumusunod. 
 Tomioka-Machi、Futaba-Machi、Okuma-Machi、ilang bahagi ng Namie-Machi、ilang bahagi ng Kawauchi-Mura, ilang bahagi ng Naraha-Machi, Odaka-ku at ilang bahagi ng Haramachi-Ku ng Minamisoma-City, ilang bahagi ng Miyakoji-Machi ng Tamura-City, ilang bahagi ng Katurai-Mura.
  
 Kung ang tirahan ay nasa caution zone ngunit hindi napapaloob sa 3KM mula sa Fukushima Diichi Nuclear Plant, papayagan ng pamahalaan ang pansamantalang pag-uwi sa bahay pagkaraan ng ilang araw mula ngayon.

 Kailangan pang obserbahan ang kalagayan ng nuclear plant bago payagan ang pansamantalang pag-uwi ng mga residente. Magsasagawa muna ang pamahalaan ng konsultasyon sa bawat munisipalidad hinggil sa bagay na ito. Inaasahang gaganapin ang pansamantalang pag-uwi sa lahat ng lugar sa loob ng 1 o 2 buwan mula sa kasalukuyan. Maaring makauwi ang isang myembro lamang sa isang pamilia at kailangan magsuot ng espesyal na damit para maiwasan ang radiation at kailangan sumakay sa bus na pinaghandaan ng pamahalaan. At mayroon din pagsusuri ng radiation contamination bago lumabas sa caution zone. Sa loob ng 2 oras lamang maaring maglagi sa bahay at maaring magdala o maglabas ng maliit na bagay mula sa bahay. 

Para sa karagdagan impormasyon, makipag-ugnayan sa municipalidad kung saan malapit sa inyong tinitirahan o staff ng evacuation center.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


にほんご

Impormasyon tungkol sa Emergency Safety Check(応急危険度判定)

Ika-20 ng Abril, 2011 18:00

Impormasyon tungkol sa Emergency Safety Check

Ang Emergency safety check o “Oukyu Kikendo Hantei” ay isang pag-chcheck ng mga bahay o building na nasalanta ng lindol para malaman kung gaano kadelikado ang mga building. Mag-jujudge ng panganib at posibilidad ng pagbagsak ng building kapag may aftershock, para iwasan ang pangalawang pinsala o secondary disaster. Pagkatapos ng judgement, ididikit ang papel na pula, dilaw o berde sa part eng building na madaling makita.
Ang mga ibigsabihin ng tatlong kulay ay susunod:
○Pula: Manganib. Bawal pumasok sa building na ito. 
○Dilaw: Kailangan ng babala. Mag-ingat nang mabuti kung papasok sa loob.
○Berde: Na-check na. Puwedeng pumasok sa loob.
Ang mga Local Government Unit ay nagpapasya kung saan isasagawa ang emergency safety check. Magtanong kayo sa inyong LGU para sa karagdagang impormasyon. 
※ Ang emergency safety check ay nagkakaiba sa building inspection na kailangan sa issue ng certification of disaster-victim. 

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

Ukol sa Certificate of Disaster Victim (Risai Shomei)(り災証明書について)

Ika-20 ng Abril, 2011 18:00


Ukol sa Certificate of Disaster Victim (Risai Shomei)

Ang mga biktima ng kalamidad na tulad ng mga nasiraan ng bahay ay kinakailangang magkaroon at magpakita ng ilang importanteng dokumento/sertipikasyon para matamasa ang mga serbisyong naglalayong magbigay suporta sa mga biktima. Karamihan sa mga serbisyong ito ay nangangailangang isumite ang “Certificate of Disater Victim (Risai Shomei)”

○Ang Certificate of Disater Victim ay 

・isang dokumento na nagpapatunay ng antas ng pagkakapinsala ng bahay. 
・Kailangan ng masusing investigasyon o pagsusuri ng mga kaukulan para malaman ang antas ng pinsala at kailangan maghintay ng mga ilang araw para makakuha ng certificate na ito. 
・Ang mga sumusunod ay mga serbisyo kung saan kailangan isumite ang Certificate of Disater Victim.
Hisaisha Seikatu Saiken Shienkin(Natural Disaster Victims Relief Aid), Gienkin(Public Donation), Exemption ng hulog sa National Health Insurance、Saigai Fukkou JyutakuYushi (Disaster Restoration Housing Loan), Ang sebisyo para sa temporaryong pag-ayos ng bahay,  Para sa pagpasok sa temporaryong pabahay o public housing, Para sa pagtangap ng text books ng libre.

Para sa aplikasyon ng “Certificate of Disaster Victim”, magkakaiba ang kailangan na papeles, paraan ng imbestigasyon at panahon ng pagbibigay ng certificate depende sa municipalidad. Para sa karagdagan impormasyon, makipag-ugnayan sa municipalidad.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

4/20/2011

Impormasyon ukol sa pagsuporta sa pansamantalang pag-aayos ng bahay(住宅の応急修理制度について)

Ika-18 ng Abril, 2011 16:00

Impormasyon ukol sa pagsuporta sa pansamantalang pag-aayos ng bahay

Kung paaayusin ninyo ang bahay na nasira dahil sa Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean, matatanggap ninyo ang suporta sa bayad. Pansamantalang pagpapaayos o temporary repair lamang ito. Ang mga susuportahan ay ang mga pamiliyang walang pangbayad sa pansamantalang pagpapaayos. Ang maximum suporta ay 520,000 yen bawat pamilya. Ang mga puwedeng paayusin ay ang mga parte lamang ng bahay na kinakailangan sa pang-araw-araw na buhay tulad ng bed room, kusina o CR. Kailangan din maka-match sa ilang condition tulad ng level ng pagkasira ng bahay at kinikita ng pamiliya para makatanggap ng suporta. 
※ Hindi puwedeng mag-apply sa pansamantalang pabahay o Kasetsujutaku kapag nakatanggap kayo ng suporta ng temporary repair.

Makipagkunsolta kayo sa tanggapan ng Local Government Unit para sa karagdagang impormasyon tulad ng pag-aaply, mga requirements o condition ng pagkasira.

【Para sa karagdagang impormasyon】
 The multilingual support center for the Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean
email: tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

Tungkol sa pondo para sa pagsasaayos ng pamumuhay ng mga biktima ng kalamidad(被災者生活再建支援金)

Ika-18 ng Abril, 2011, 16:00
Tungkol sa pondo para sa pagsasaayos ng pamumuhay ng mga biktima ng kalamidad
Batay sa batas para sa pagsasaayos ng pamumuhay ng mga biktima ng kalamidad oNatural Disaster Victims Relief Law, ibibigay ang pondo sa mga pamilyang napinsala ang tinitirahan.

○Ang halagang ibibigay ay kabuuan ng dalawang uri ng pondo (sumusunod).
Kung isa lang ang miyembro ng pamilya, magiging 3/4 lamang ng kabuuang halaga ang ibibigay.

1. Batayang pondo (ibibigay ayon (depende) sa kundisyon ng pinsala ng bahay)
Kundisyon ng pinsala         halaga
Nasira ang buong bahay        1milyon Yen
Nasira ang malaking bahagi ng bahay  0.5 milyon Yen
2. Karagdagang pondo (ibibigay ayon sa paraan ng pagsasaayos ng bahay)
Paraan ng pagsasaayos ng bahay   halaga
Magpapatayo o bibili ng bago     2 milyon Yen
Magpapakumpuni          1 milyon Yen 
Uupa (maliban sa public housing)      0.5 milyon Yen 

○Pamilyang bibigyan ng pondo

1. pamilyang nasira ang buong bahay
2. pamilyang nasira ang bahagi ng bahay o kinailanganang gibain ang bahay dahil napinsala ang lupang tinatayuan nito
3. pamilyang hindi makakatira sa bahay nang pangmatagalan dahil sa pagpapatuloy ng mapanganib na kundisyon gawa ng kalamidad.
4. pamilyang nasira ang bahagi ng bahay at mahirap makatira sa nasabing bahay kung hindi kukumpunihin nang malaki (pamilyang nasira ang malaking bahagi ng bahay)

Para mag-aplay sa pondo, kailangan ng mga dokumentong tulad ng “Certification of disaster-victim/Sertipiko ng biktima ng kalamidad” (Risai-shomeisho). Tungkol sa detalye, pakitanong na lang sa municipal office ng inyong tinitirahan.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

4/18/2011

Pagbabawas at Paglilibre ng Pampagamot (医療費の減免)

Ika-15 ng Abril, 2011 14:00


Pagbabawas at Paglilibre ng Pampagamot

Ang Minstry of Health, Labour and Welfare ay naglilibre ng pagpagamot sa ospital ng mga taong naapektuhan. Ang mga nawalan ng national/social insurance certificate (Hokensyo) ay puwede ring magpatingin.
Ang mga taong nasasakop ng serbisyong ito ay,
ang mga mamamayan sa mga pook na naaaplayan ng Patakaran ng Pagliligtas sa Kalamidad (Saigai kyuujo hou) na
1) nasiraan ng bahay nang buo o bahagi,
2) namatay ang pangunahing nagtatrabaho sa pamilya o nagkaroon ng matinding pinsala sa katawan,
3) nawawala ang pangunahing nagtatrabaho sa pamilya,
4) nasira o nahinto ang negosyo ang pangunahing nagtatrabaho sa pamilya,
5) nawalan ng trabaho at wala nang kinikita ang pangunahing nagtatrabaho sa pamilya o
6) inutusang lumikas o manatili sa loob ng gusali dahil sa aksidente ng Fukushima No.1 at No. 2 Nuclear Power Plant
(pati na rin ang lumipat pagkatapos ng lindol).

Maaari lamang itanong sa opisyal sa munisipyo, evacuation center staff o inyong pripektura para malaman kung kayo ay nasasakop ng serbisyong ito.
Bukod dito, ang Minstry of Health, Labour and Welfare ay nagpaplano ng paglilibre ng pampagamot sa mga nakatira sa“Planned Evacuation Area”. Magbibigay kami ng karagdagang impormasyon pagka nalaman na ang mga detalye nito.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

4/13/2011

Pag-report ng bagong address sa post office(郵便局に転居届を)

Ika-11 ng Abril 2011 14:00 
Tungkol sa Kalamidad No.109

Pag-report ng bagong address sa post office

Kung ang mga evacuees ay mayroon ng bagong address, magsadya sa post office at isumite ang “Tenkyo Todoke” (Report of change of address). Kung i-report ito, kahit dating address ang nakalagay sa mga sulat, ipapadala ito sa bagong address ng libre, sa loob ng 1 taon. Kung ang bagong address ay nasa loob ng bansang Hapon, ipapadala ang sulat o anu pa man sa kahit anumang address(kahit eskuelahan o simbahan). Ang mga municipalidad ay magpapadala ng mga documento para sa aplikasyon ng pagtangap ng gienkin(public donation) o pagapply sa Risaishoumeisho(Certificate of disaster-affected). Kung mayroon ng bagong address, siguraduhing ireport ito sa post office. Makakuha ng application form ng “Tenkyo Todoke(Report of Change of Address)” sa kahit saang post office na malapit sa inyong tirahan. Maari din mag-apply sa pamamagitan ng website. (Salitang Hapon lamang ang website.) 
○Ang mga kailangan papeles para sa pagreport ng paglipat ng address sa post office.
1.Alien Card, Driver’s Licence, o iba’t ibang dokumento na nagpapatunay ng identity(tulad ng health insurance card)
2. Ang mga dokumento na nagpapatunay ng dating address na ini-issue ng public office, tulad ng Alien Card, Driver’s License, o Passport.
○Kailangang impormasyon para sa Tenkyo Todoke (Report of Change of Address)
1. Araw na lilipat(o lumipat)
2. Araw ng simula ng pagpapadala ng mga sulat sa bagong address.
3. Dating address (Address bago lumipat)
4. Pangalan ng mga lumilipat
5. Kung mayroon o wala ng ibang tao na tumuloy sa dating address. Kung mayroon, bilang ng taong tumuloy sa pagtira sa dating address.
6. Bagong Address
7. Pangalan ng taong magsusumite ng report at relasyon nito sa mga lilipat, o pamilya. 
Ang report ng paglipat ng address sa post office ay walang kaugnay sa report ng paglipat ng address ng alien registration.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

4/12/2011

Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant “Planned Evacuation Area”(福島原発「計画的避難区域」)

Ika-11 ng Abril, 2011 18:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No. 112

Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant “Planned Evacuation Area”

Ayon kay Chief Cabinet Secretary Edano sa press conference kaninang hapon, nagpasiya silang gawing “planned evacuation area” ang mga lugar na nasa labas ng 20km radius ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant at may posibilidad na maging mahigit sa 20mSv ang kabuuang radiation dose sa isang taon dahil sa kondisyon ng panahon at lupain.

Ang magiging planned evacuation area ay Katsurao, Namie town, Iitate town, bahagi ng Kawamata town at bahagi ng Minamisouma city ng Fukushima Prefecture.

Ukol sa panahon ng evacuation, “Sana’y makalikas ang mga residente sa loob ng isang buwan.” ayon kay Chief Secretary Edano, “Ang mga instruksyon para sa mga residente ay ipapahayag batay sa sitwasyon sa natukoy na lugar at pagkatapos nilang makipagusap sa mga may kinalaman sa mga natukoy na komunidad.”

Nagpasiya rin silang maging “Evacuation Prepared Area for Emergency” ang mga lugar na hindi kasama sa “planned evacuation area” na nasa labas ng 20km radius ngunit nasa loob ng 30km radius ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant. Binabawal ang mga residente na nasa lugar na ito na lumabas sa mga gusali.

Ang nasabing evacuation prepared area for emergency ay ang Hirono town, Naraha town, Kawauchi, bahagi ng Tamura city at bahagi ng Minamisouma city sa nasabing Prefecture. Walang pasok ang mga nursery center, preschool, elementary school, junior high school at high school nang pansamantala.

(Ika-11 ng Abril, 2011 4:14pm Yomiuri Shimbun)

Paliwanag 1: “Planned Evacuation Area”
Ang lahat ng mga taong nasa lugar na ito ay kinakailangang mag-evacuate sa loob ng isang buwan.
Sa mga taong nahihirapang mag-evacuate sa sariling pagsisikap, ang gubyerno o ang mga may kinalaman sa komunidad (local government) ang magbibigay ng mga tiyak na direksiyon sa pag-evacuate.

Paliwanag 2: “Evacuation Prepared Area for Emergency”
Hinihikayat ang mga taong kayang mag-evacuate sa mga lugar na ito na kusang-loob na mag-evacuate.
Sa mga taong kinakailangang manatili sa kabila ng panghikayat na ito, maghandang lumikas sa sandaling magkaroon ng emergency. Ipinagbabawal ang mga bata, buntis at mga pasyente na pumasok sa mga lugar na ito.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

日本語

4/07/2011

Higashi Nihon Daishinsai Affectees Accommodation Project in Gifu


Gifu-Seino "Creating New Bonds”
    -Higashi Nihon Daishinsai Affectees Accommodation Project-

Please give us your fine support!

Higashi Nihon Daishinsai caused unprecedented disaster in the region so that it is extremely difficult for its affectees to live in their pre-disaster locales. For this reason, our Seinou area has decided to register empty houses in the area and facilitate affectees' temporary translocation whereby we initiate "new public projects" for supporting affectees and give job assistance and training to them, helping them rebuild their lives and stand on their own.

4/05/2011

Pagwithdraw ng pera sa bangko kung saan wala kayong deposit(取引銀行以外での現金払戻し)

Ika-3 ng Abril, 2011
Tungkol sa Kalamaidad No.98

Pagwithdraw ng pera sa bangko kung saan wala kayong deposit

Magsisimula ang pagbibigay serbisyo ng madaling paraan ng pagwithdraw ng pera sa mga lugar kung saan nag-evacuate ang mga biktima ng kalamidad. Kung may bankbook o Inkan(personal seal) o iba pang papeles(tulad ng driver’s license) na nagpapatunay ng inyong identity, maaring mag-withdraw ng pera sa banko na kaiba sa inyong banko. Pero ang pinakamataas na halaga na maaring mai-withdraw sa isang araw ay hanggang 100,000yen lamang. Kahit walang papeles na nagpapatunay ng identity, kung alam ng banko na ikaw ang may-ari ng bank account, maari pa ring mag-withdraw.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan muna sa inyong banko kung saan mayroon kayong deposit.
Magsisimula ang serbisio na ito mula sa Abril 6 (Miyerkules) Abril 8(Biernes)

●Kung may deposit ang mga evacuees sa mga sumusunod na banko, maaring mag-withdraw sa banko na nakasulat sa ibaba.
Kiyayaka Bank, Kitanihon Bank, Sendai Bank, Fukushima Bank, Daito Bank
●Ang mga banko kung saan maaring mag-withdraw ng pera kahit hindi ang banko na may deposit:
【Mula sa Abril 6(Miyerkules)】
37 na banko kasama ng Hokuyo Bank(Hokkaido)、Towa Bank(Gunma)、Tochigi Bank(Tochigi)、Keiyo Bank(Chiba)、Higashinihon Bank(Tokyo)
【Mula sa Abril 8(Biernes)】
65 na banko kasama ng Mizuho Bank、Mitubishi Tokyo UFJ Bank、Mitsui Sumitomo Bank, Risona Bank, Aeon Bank

Ang mga banko na magbibigay ng ganitong serbisyo ay dadagdagan pa. Mag-confirm ng bagong impormasyon sa website ng Japan Bank Association.

Kung gustong mag-withdraw ng pera sa pamamagitan ng serbisyong ito, magkonsulta o magtanong muna sa staff ng municipalidad o sa nakatalagang opisyal ng evacuation

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

日本語

Tungkol sa pagpapautng /loan ng mga gastos para sa pamumuhay at kapakanan(生活福祉資金貸付)

Ika-3 ng Abril, 2011
Impormasyon tungkol sa kalamidad No. 97

Tungkol sa pagpapautng /loan ng mga gastos para sa pamumuhay at kapakanan

Ang mga pamilyang napinsala ng lindol ay puwedeng umutang ng gastos para sa pamumuhay hanggang 100,000 Yen. Ang mga pamiliyang may namatay o may kailangang alagaan ay puwedeng umutang hanggang 200,000 Yen.

○Panahon ng pagpapaliban/balam: Walang pagbabayad sa loob ng isang taon.
○Takdang panahon ng pagbabayad : sa loob ng dalawang taon
○Tubo : Wala
○Guarantor : Hindi kailangan
○Tanggapan : Social Welfare Council sa bawa’t bayan

※ Iwate Prefecture Social Welfare Council : mula Ika-22 ng Marso (Martes)
※ Miyagi Prefecture Social Welfare Council : mula Ika-27 ng Marso (Linggo)
※ Fukushima Prefecture Social Welfare Council : mula Ika-4 ng Abril (Lunes)(nakatakda)

Puwede ring mag-aplay sa Social Welfare Council na nasa ibang prefectura na nagtatanggap ng evacuees, katulad ng Tokyo, Saitama, Hokkaido, Aomori, Tochigi, Nagano, at Chiba. Ang bilang ito ay 30.
Kung gusto ninyong mag-aplay sa pagpapautang, kumunsulta muna kayo sa mga empleyado ng municipio o taga-pamahala ng Evacuation Center.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

日本語

4/04/2011

Pag-aalaga ng bata kapag may emergency(非常時の子育て)

 “Alagaaan natin ang lahat ng mga bata”

Laging kinakabahan at nagsisikap po talaga ang mga magulang sa napinsalang lugar dahil kailangan nilang mag-alaga ng mga kanilang anak. Natural lamang ang umiyak at mag-ingay ang mga bata sa ganitong situwasyon. Sana po maintindihan po natin sila.
○Natural po lamang laging maiinisin ang isang tao sa oras ng emergency dahil matindi ang stress. Kung sisisihiin ninyo ang sarili ,lalong lalala ang strees. Tangapin at huwag po sanang sisisihin ang sarili ninyo.
○Hindi pa kayang magpaliwanag ang maliit na bata ng kanilang damdamin, tulad ng takot o pag-alala. Kaya hindi nilang kayang ilabas ang kanilang damdamin. Bigyan natin sila ng attention at pagmamahal. Kapag nakita ninyo sila, tandaan na yakapin o kargahin sila upang mawawala ang kanilang pangangamba. 
○Iwasang nating laging panoorin nila ang mga balita tungkol sa kalamidad, dahil lalo silang mag-alala at ma-istress. 
○Maroon batang naglalaro ng “JISHINGOKKO”daw sa evacuation center at iba pang lugar. Ito ay pag-uulit ng kanilang karanasan o pagpapanggap na sila ay nililindol uli. Ito ay isang proseso na para makalimutan ang kanilang pagkatakot o pangangamba na naramdaman nila noong lindol. At sa pamamagitan ng ganitong laro, unting unting magiging malakas ang kanilang loob. Sana maintindihan natin po sila at huwag sanang tigilan sila kapag nakita na naglalaro ng ganito. 


日本語


“Pag-alaga sa kalooban ng mga bata”

Pareho lang sa mga matatanda, nag-aalala din ang mga bata dahil sa kanilang karanasan sa kalamidad. Maiging ibahagi ng mga matatanda ang mga saloobin nila sa mga bata nang sa gayon ay mapanatag din ang kanilang kalooban.

○May mga batang mag-iiba ang pagkilos at maaring maging tulad ng sanggol o mas bata pa sa totoong edad. Maari ding bigla silang naging makasarili or madamot, emotionally dependent o masyadong malambing, o umiihi sa salawal. Gayon pa man, huwag silang pagalitan. Sa halip ay kailangang maging matiyaga, matiisin at hintayin ang pagiging nomal ng kanilang pagkilos.

○Makakatulong na mapanatag ang kalooban ng bata kung sila ay madalas na yayakapin, kausapin sila ng malumanay, o di kaya’t makipaglaro sa kanila. At kung nararamdaman ng mga bata na sila ay makakatulong sa iba, magkakaroon din sila ng positibong kalooban at pagtingin sa buhay. Bigyan sila ng pagkakataong tumulong sa mga simpleng gawain.

○Kapag nag-aalala ang mga bata, maaring magiging makulit sila at paulit-ulit ang pagbanggit ng parehong tanong. Kahit pareho lang ang kanilang tinatanong, hangga’t maari ay laging sagutin ito ng maayos. 



日本語

3/31/2011

Tungkol sa pag-extend at pag-papareissue ng lisensya sa pagmamaneho (driver’s license) (免許期限の延長)

Ika-28 ng Marso 2011, 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No. 84

Tungkol sa pag-extend at pag-papareissue ng lisensya sa pagmamaneho (driver’s license)

Mae-extend ang lisensya hanggang August 31 ng mga taong nakatira sa mga napinsalang lugar(*) at may lisensya sa pagmamaneho (driver’s license) na mawawalang bisa pagkatapos ng March 11. Tandaan na kailangang tapusin ang pagpapa-renew ng nasabing lisensya bago mag-August 31, 2011.
* Napinsalang lugar: Lahat ng mga lungsod, bayan at nayon sa Iwate at Miyagi,
Isang bahagi ng mga lungsod, bayan at nayon sa Aomori, Fukushima, Ibaraki, Chiba, Niigata at Nagano.

Para sa mga taong napinsala at nawala ang lisensya sa pagmamaneho, kailangang mag-apply para ma-reissue ito. Ngunit mayroon ding mga pagkakataong hindi maaaring mag-apply. Para sa mga detalye, magtanong lamang sa driver’s licensing center na malapit sa inyo. 

【Para sa karagdagang impormasyon】
 The multilingual support center for the Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean
email: tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

Impormasyon ukol sa ASHINAGA speciall financial support at scholarship(育英会奨学金)

Ika-28 ng Marso, 2011 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.83

Impormasyon ukol sa ASHINAGA speciall financial support at scholarship

Ang ASHINAGA o あしながいくえいかい ay nagbibigay ng special financial support na tinatawag na “one-time relief payment” sa mga estudyanteng napinsala sa kasalukuyang kalamidad sa Tohoku.

◇Ang mga bibigyan ng support
Ang mga estudyante o magiging estudyante simula sa darating na Abril sa high school, college, university (under graduate at masteral /doctoral), vocational school, na namatay o nagkaroon ng mabigat na disability ang kanilang magulang o guardians dahil sa nasabing kalamidad.

◇Halaga ng one-time relief payment na ibibigay
Estudyante sa high school = 300,000 yen
Estudyante sa college, university, graduate school at vocational school = 400,000 yen

Bukod pa rito, tumatanggap sila ng pag-aaply sa ASHINAGA scholarship na papautangin kahit pagkatapos ng deadline ng application.

◇Halaga ng scholarship na ipapautang sa isang buwan
Estudyante sa high school ng public o national = 25,000 yen, privare = 30,000 yen
Estudyante sa college at university (under graduate) = 40,000 yen
Estudyante sa vocational school = 40,000 yen
Estudyante sa masteral o doctoral course sa college o university = 80,000 yen

◇Pagbabayad ng scholarship
Kailangang magbayad sa loob ng 20 (dalawangpung) taon pagkatapos mag-graduate.

Para sa karagdagang impormasyon ay tumawag kayo sa ASHINAGA 0120-77-8565 (libreng tawag). Ang linguahe ay Nihongo at English lamang.

Ang ASHINAGA ay isang non-profit organization sa Japan na sumusuporta sa mga kabataang namatayan ng mga magulang o guardians dahil sa sakit o kalamidat atb.

【Para sa karagdagang impormasyon】
 The multilingual support center for the Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean
 email: tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

Pagsangguni tungkol sa trabaho(雇用相談)

Ika-29 ng Marso 2011, 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No. 87

Pagsangguni tungkol sa trabaho

Kung wala kayong trabaho o naghahanap ng trabaho, pumunta kayo sa “Hello Work”.
Sa Tokyo, Osaka at Nagoya, puwede ring kumunsulta nang libre sa Employment Service Center for Foreigners. Kung kailangan ninyo ang tulong ng tagapagsalin (interpreter) sa Sentro, tumawag muna kayo sa kanilang opisina bago dumalaw.

【Tanungan】
“Tokyo Foreigners Employment Service Center”
Tel.:03-3588-8639
Salitang magagamit: Japanese, English, Chinese 

“Osaka Foreigners Employment Service Center”

Tel.:06-6344-1135
Salitang magagamit: Japanese, English, Chinese, Portuguese, Spanish 

“Nagoya Foreigners Employment Service Center”
Tel.: 052-264-1901
Salitang magagamit: Japanese, English, Chinese, Portuguese, Spanish

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

Impormasyon ukol sa pag-aaply sa pansamantalang pabahay (仮設住宅)

Ika-28 ng Marso, 2011 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.82

Impormasyon ukol sa pag-aaply sa pansamantalang pabahay

May mga lugar na nagsimula na ng pagtanggap ng pag-aaply sa pansamantalang pabahay o “KASETSU JUTAKU” na ihahandog ng gobiyerno. Makakapasok kayo sa pansamantalang pabahay kung nawala na ang bahay ninyo at hindi rin ninyo kayang umupa o magpatayo ng bagong bahay dahil walang pera. Ang mga tanggapan ng aplikasyon nito ay nasa evacuation o local government unit.
Ang mga kinakailangan para sa pag-aaply ay susunod: 
1. Application form
2. Identification card tulad ng driver’s license o health insurance card
3. Certification of disaster-victim

Ang certification of disaster-victim ay binibigay ng Local government unit ayon sa pag-aaral nila ng kalagayan ng pagkasalanta ng bahay ng isang tao. Itong certification ay may apat na level ng pagkasira ng bahay tulad ng “nabagsak nang todo o ZENKAI”, “nabagsak nang higit pa sa kalahati o DAIKIBO-HANKAI”, “nabagsak ang kalahati o HANKAI” at “nabagsak ang ilang parte o ICHIBU-SONKAI”. Iba ang halaga na ibibigay ng gobiyerno at halaga na ibabawas sa buwis na kailangan bayaran depende sa level ng pagkasira.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan po kayo sa tanggapan ng pansamantalang pabahay sa lokal na pamahalaan.

【Para sa karagdagang impormasyon】
 The multilingual support center for the Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean
 email: tabumane110311@yahoo.co.jp



日本語