Showing posts with label volunteer. Show all posts
Showing posts with label volunteer. Show all posts

3/21/2011

Tungkol sa volunteer sa mga napinsalang lugar -56

Ika-20 ng Marso, 2011 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.56

Tungkol sa volunteer sa mga napinsalang lugar

Nais nyo po bang tumulong sa mga taong apektado sa lindol? Bagama’t hindi pa po nakapaghandang tumanggap ng volunteers ang mga napinsalang lugar dahil busy pa sila sa rescue o paghahanap ng nawawalang tao at pagpapagawa o pagpapaayos ng mga nasirang gusali at mga kalsada. Kung pumunta kayo doon ng hindi konektado sa anumang organisasyon, makakaistorbo lamang kayo doon. 
Maaaring tumanggap ang Miyagi-pref, Iwate-pref, Fukushima-pref at Aomori-pref ng mga relief goods o donasyon na galing sa kumpanya atbp. ngunit hindi sila tumatanggap ng relief goods na galing sa mga mamamayan. 
Huwag lamang po kayong bumili ng napakadaming pagkain o mga bagay-bagay na hindi kinakailangan agad upang makakuha o makabili rin ang mga tao sa napinsalang lugar ng pagkain at fuel o gasolina. 

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
Email:tabumane110311@yahoo.co.jp

3/19/2011

Babala sa mga dumadalaw at volunteer sa evacuation center

Ika-19 ng Marso, 2011 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.51

Babala sa mga dumadalaw at volunteer sa evacuation center

Sa mga evacuation center, masikip at mahirap makapasok ang preskong hangin. Mahirap ding panatilihin ang kalinisan o sanitation dahil kulang ang mask at tubig na panghugas ng kamay at pangmomog.. 
Sa ganitong kalagayan, ang pinaka importante ay iwasan madala ng virus at germs galing sa labas ng evacuation center. Ang mga nakakahawang sakit tulad ng flu ay hindi basta-basta lumalabas nang kusa, kundi nadadala ng mga tao galing sa labas.
Dahil dito, kayong mga dumadalaw at volunteer sa evacuation center ay kailangan mag-control nang mabuti ang inyong condition ng kalusugan. Magsuot ng mask at huwag ninyong kalimutang mag-sanitizer bago pumasok sa center para maiwasan madala ang mga virus at germs galing sa labas. 

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean 
Email: tabumane110311@yahoo.co.jp