Showing posts with label Vegetables. Show all posts
Showing posts with label Vegetables. Show all posts

3/25/2011

Impormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapadala at pagkain ng mga produktong agrikultura at livestock

Ika-23 ng Marso, 2011 16:00

Impormasyon tungkol sa kalamidad No.65

Impormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapadala at pagkain ng mga produktong agrikultura at livestock

Nakita ang radioactive material na mas mataas sa average level na itinakda ng gobiyernong Hapon mula sa mga produktong agrikultura at livestock galing sa Fukushima dahil sa epekto ng aksidente sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant. Dahil dito, nag-utos ang gobiyerno sa mga magsasakang agrikultura at livestock na huwag munang ipadala ang mga produktong ito, at nag-payo sa mga mamamayan na huwag muna kainin ang mga ito.

Ngunit pinaliwanag ni Chief Cabinet Secretary Edano tungkol sa mga produktong ito na “Walang agad na masamang epekto sa kalusugan kahit kainin ninyo nang ilang beses lang ang mga ito. Subalit dahil naipapalagay namin na tatagal pa ang ganitong kalagayan na nakikita ang mataas na radiation sa mga ani, nag-decide kami na mas maganda kung mag-utos kami nang maaga palang sa pagbabawal ng pagpapadala at pagkain ng mga ito para sa just in case.”

Ang mga produktong pinagbawal ipadala at kainin ay mga susunod (as off 11:00AM ng ika-23 ng Marso) :

Pinanggalingan ng produkto
Bawal kainin
Bawal ipadala
Fukusima
Hourensou(spinach/
Cabbage, Komatsun, Kukitachina, Shinobu-Fuyuna, Santouna, Chijirena, Aburana, Kousaitai, Broccoli, Cauliflower atb
Gatas ng baka(raw milk), Hourensou, Kakina, Cabbage, Komatsuna, Kukitachina, Shinobu-Fuyuna, Santouna, Chijirena, Aburana, Kousaitai, Broccoli, Cauliflower, Kabu  atb
Ibaraki
Hourensou, Kakina, gatas ng baka, Parsley
Tochigi
Hourensou, Kakina
Gunma
Hourensou, Kakina

*Ang mga gulay na nakasulat sapamamagitan ng makapal na letter o gothic latter  ay mga bagong pinagbawal noong ika-23 ng Marso.


日本語

3/22/2011

Impormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapadala ng mga produktong agriculture - 58

Ika-21 ng Marso, 2011 18:30
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.58

Impormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapadala ng mga produktong agriculture

As of 6:00PM ng ika-21 ng Marso, ang gobiyernong Hapon ay nag-utos sa mga lokal na gobiyerno at sa mga magsasaka na huwag munang ipadala ang mga susunod na produktong agriculture, dahil sa pagtulo ng radiation sa Fukusima Daiichi Nuclear Power Plant.

● HORENSO (spinach) at KAKINA na galing sa Fukushima, Ibaraki, Tochigi at Gunma

● Gatas ng baka (raw milk) na galing sa Fukushima

Pahayag ni Chief Cabinet Secretary Edano: “Walang agad na masamang epekto sa kalusugan kahit kumain kayo ng mga gulay na ito.”

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

3/19/2011

Ukol sa pagkain na may “radiation” na lampas ng standard (53)

Impromasyon tungkol sa kalamidad No.53

Ukol sa pagkain na may “radiation” na lampas ng standard

Noong ika-19 ng Marso, may lumabas na balita ukol sa pagkakaroon ng radiation sa spinach/HORENSO sa isang lugar ng Ibaraki prefecture at sa gatas sa Fukushima. Ang level o dami ng radiation nito ay lumampas na sa standard na itinatakda ng “Nuclear Safety Commission”.
Kung iinumin po ninyo araw-araw ang naturang gatas sa average amount na kaya ninyong ubusin sa isang araw, ang antas ng radiation na papasok sa inyong katawan ay pareho lamang sa radiation na pwede ninyong makuha sa isang beses na pagpapa-CTscan. Ganoon din kung kakainin po ninyo ang nasabing Horenso, ang amount ng radiation ay one-fifth lamang sa isang beses na CT scan. Kaya’t hindi ito magiging dahilan ng kagyat na pagkakasakit at walang masamang epekto sa katawan.
Ayon sa resulta ng radiation check, kung may pagkain na may kasamang radiation na sobra sa naturang standard, ang lokal na pamahaalan ay dapat gumawa ng kaukulang aksyon, tulad ng pagbabawal sa pagbenta o paglabas ng produkto.

【Para sa Karagdagang Impormasyon】
 The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp