Showing posts with label Nuclear. Show all posts
Showing posts with label Nuclear. Show all posts

4/26/2011

Para sa mga napinsala ng aksidente sa Nuclear Plant(原子力発電所の事故で損害を受けた方へ)

Ika-25 ng Abril, 2011 11:00

Para sa mga napinsala ng aksidente sa Nuclear Plant

 Para mabigyan ng tamang kabayaran (bayad-pinsala) ang mga napinsala ng aksidente sa Nucler Plant, Ministry of Education and Science ay nagpaliwanag tungkol sa mga dokumentong maaaring kailanganin para mag-aplay sa bayad-pinsala, batay sa dokumentong kinailangan sa dating kalamidad. Magtago (maglipit) na lang kayo ng mga dokumentong nagpaaptunay ng pinsala, batay sa mga sumusunod.
 ○Dokumento katulad ng medical certificate sa sakit at sugat, at mga resibo sa pagpapagamot
 ○Dokumento tungkol sa pinsala sa kasangkapan sa bahay, paninda, gusali, at iba pa.
 ○Dokumento katulad ng madetalyeng ulat ng pamasahe para sa biglang pagtakas galing sa pinaruming lugar (contaminated area)
 ○Resibo sa ospital o klinika para siyasatin ang impluwensya ng radiation
 ○ Dokumentong nagpapatunay ng pagbabawas ng suweldo dahil sa pagtigil ng trabaho 
 ○Dokumento na nagpapatunay ng pinsala dahil sa hindi maitutuloy ang negosyo, katulad ng “Final Returns/Kakutei shinkoku-sho”(Dokumento ng income tax return).

Ang Tokyo Electric Company ay nagbabalak magbukas ng “Fukushima Nuclear Compensation Office”(Tanggapang ng Pagkonsulta tungkol sa Bayad-pinsala ng Power Plant sa Fukushima) sa ika-28 ng Abril. Ito ay eksklusibong tanggapan para magkunsulta tungkol sa kabayaran sa pinsala ng Nuclear Plant.

“Fukushima Nuclear Compensation Office”(Call Center)
  
Tel.no. 0120-926-404(Japanese only)Fax.no. 0120-12-8589(English OK)
Oras 9:00~21:00 (Lunes~Sabado)

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

4/25/2011

Impormasyon ukol sa pagbabawal ng pagkain at pagpapadala ng mga produktong agrikultura at livestock, at pagkaing dagat(農畜産物・魚介類の摂取・出荷制限について・続報)

Ika-22 ng Abril, 2011 18:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad mula sa The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
Filipino No. 128

Impormasyon ukol sa pagbabawal ng pagkain at pagpapadala ng mga produktong agrikultura at livestock, at pagkaing dagat

Ihayag po namin sa inyo ang karagdagang impormasyon tungkol sa pagbabawal ng pagpapadala at pagkain ng mga produktong agrikultura at livestock, at pagkaing dagat na hindi po hinayag sa No. 110.
Ang mga produkto katulad ng gulay at isda na nakita ang radioactive material na mas mataas sa average level ay pinagbabawal ng paglabas o pagpapadala.

Ang mga produktong pinagbawal ipadala ay mga susunod sa ibaba.
(Ipinahayag ng Ministry of Health, Labour and Welfare at Fisheries Agency noong ika-22 ng Abril ng 6pm)


Lugar
Petsa ng paglabas ng utos

Produkto
Fukushima Prefesture

(Maliban sa: Kitakata-shi, Bandai-machi, Inawashiro-machi, Mishima-machi, Aizu-Misato-machi, Shimogo-machi, Minami-Aizu-machi, Fukushima-shi, Nihonmatsu-shi, Date-shi, Motomiya-shi, Kunimi-machi, Ohtama-mura, Kooriyama-shi, Sugakawa-shi, Tamura-shi (maliban sa lugar na Miyakoji-mura dati,) Miharu-machi, Ono-machi, Kagami-Ishi-machi, Ishikawa-machi, Asagawa-machi, Hirata-mura,

Furudono-machi, Shirakawa-shi, Yabuki-machi, Izumizaki-mura, Nakajima-mura, Nishigou-mura, Samegawa-mura, Hanawa-machi, Yamatsuri-machi, Iwaki-shi, Souma-shi, Shinchi-machi)
Ika-21 ng MarsoGatas ng baka
Buong Fukushima PrefectureIka-21 ng Marso

 
Spinach (HORENSO) at KAKINA
Ika-23 ng MarsoCrown daisy (SYUNGIKU), Bok choy (CHINGENSAI), SANCYU, Cabbage, iba pang mga leaf vegetable at tinatawag na “cruciferous vegetables” tulad ng Turnip, Broccoli at Califlower
Ika-20 ng AbrilBatang isda ng IKANAGO (isang uri ng isda)
Shinchi-machi, Date-shi, Iitate-mura, Souma-shi, Minami-Souma-shi, Namie-machi, Futaba-machi, Ookuma-machi, Tomioka-machi, Naraha-machi, Hirono-machi, Kawamata-machi, Katsurao-machi, Tamura-shi, Kawauchi-mura, Iwaki-shi ng Fukushima PrefectureIka-13 ng Abril

 
SHIITAKE (itinanim sa kahoy at ipinalaki sa labas)
Fukushima-shi, Fukushima PrefectureIka-18 ng Abril
Takahagi-shi at Kita-Ibaraki-shi ng Ibaraki Prefecture

 
Ika-21 ng MarsoHORENSO
Tochigi Prefecture (Maliban sa Nasu-Shiobara-shi at Shioya-machi)Ika-21 ng MarsoHORENSO
 



【Para sa karagdagang impormasyon】
 The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
 Email: tabumane110311@yahoo.co.jp

4/22/2011

Ang mga lugar na nasa loob ng 20KM mula sa nuclear plant ay itinuturing bilang “Caution Zone” (半径20キロ圏内の地域を「警戒区域」に)

Ika-21 ng Abril, 2011 


Ang mga lugar na nasa loob ng 20KM mula sa nuclear plant ay itinuturing bilang “Caution Zone” 

  Sa Abril 21, ang pamahalaan ay nag-anunsyo na ang mga lugar na nasa loob ng 20km radius mula sa Fukushima Daiichi Nuclear Plant ay itinuturing bilang “Caution Zone” at ipinagbabawal ang ang pagpasok sa lugar mula hating-gabi ng Abril 22. Ang mga hindi sumunod sa panukalang ito ng pamahalaan ay maaring maparusahan. 

Ang mga lugar na itinuturing bilang “Caution Zone”ay ang mga sumusunod. 
 Tomioka-Machi、Futaba-Machi、Okuma-Machi、ilang bahagi ng Namie-Machi、ilang bahagi ng Kawauchi-Mura, ilang bahagi ng Naraha-Machi, Odaka-ku at ilang bahagi ng Haramachi-Ku ng Minamisoma-City, ilang bahagi ng Miyakoji-Machi ng Tamura-City, ilang bahagi ng Katurai-Mura.
  
 Kung ang tirahan ay nasa caution zone ngunit hindi napapaloob sa 3KM mula sa Fukushima Diichi Nuclear Plant, papayagan ng pamahalaan ang pansamantalang pag-uwi sa bahay pagkaraan ng ilang araw mula ngayon.

 Kailangan pang obserbahan ang kalagayan ng nuclear plant bago payagan ang pansamantalang pag-uwi ng mga residente. Magsasagawa muna ang pamahalaan ng konsultasyon sa bawat munisipalidad hinggil sa bagay na ito. Inaasahang gaganapin ang pansamantalang pag-uwi sa lahat ng lugar sa loob ng 1 o 2 buwan mula sa kasalukuyan. Maaring makauwi ang isang myembro lamang sa isang pamilia at kailangan magsuot ng espesyal na damit para maiwasan ang radiation at kailangan sumakay sa bus na pinaghandaan ng pamahalaan. At mayroon din pagsusuri ng radiation contamination bago lumabas sa caution zone. Sa loob ng 2 oras lamang maaring maglagi sa bahay at maaring magdala o maglabas ng maliit na bagay mula sa bahay. 

Para sa karagdagan impormasyon, makipag-ugnayan sa municipalidad kung saan malapit sa inyong tinitirahan o staff ng evacuation center.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


にほんご

4/20/2011

Pamamaraan para sa Pagsasaayos sa Fukushima Daiichi Nuclear Plant(福島第一原子力発電所 事故収束に向けた工程表発表)

Ika-18 ng Abril 2011 17:00


Pamamaraan para sa Pagsasaayos sa Fukushima Daiichi Nuclear Plant

Sa Abril 17, 2011 naglabas ng anunsyo ang Tokyo Electric Power Company ang kanilang isinasagawang hakbang at pamamaraan upang maisaayos ang aksidenteng nangyari sa Fukushima Daiichi Nuclear Plant. Ang mga sumusunod ang mga pangunahing layunin ng kompanya para makauwi ang mga evacuees sa kani-kanilang bahay. 
Sa ngayon, ang pinagtutuunan nila ng pansin ay ang pagpapapanatili ng mababang temperatura ng nuclear reactor at spent fuel pool, at pagbabawas ng pagkalat ng radioactive materials. 
○Unang Hakbang
Layunin:Patuloy na pagbabawas sa pagkalat ng radiation.
Inaasahang panahon na maisagawa ito : Sa loob ng 3 buwan mula sa kasalukuyan (kalagitnaan ng Hulyo 2011)

○Pangalawang Hakbang
Layunin:Pag-kontrol sa pagkalat ng radioactive materials at pagpapababa ng dami ng kumakalat na radiation.
Inaasahang panahon na maisagawa ito:Sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan pagkatapos maisagawa ang Step 1.(Sa pagitan ng kalagitnaan ng Oktubre 2011, at kalagitnaan ng Enero 2012)

Kahit matapos ang mga planong pagsasaayos ng planta sa inaasahang panahon, kailangan maghintay pa ng hindi bababa sa 6 hanggang 9 na buwan bago pag-aaralan muli ng pamahalaan ang posibilidad na maaring makauwi ang mga evacuees sa kanilang bahay. 

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

4/16/2011

Pagbabayad ng provisional compensation payment(仮払補償金の支払いについて)

Ika-15 ng Abril 2011 14:00
Tungkol sa Kalamidad No.116

Pagbabayad ng provisional compensation payment

Ang Tokyo Electric Power Company(TEPCO) ay nag-anunsyo na magbibigay ng provisional compensation para mabayaran ang pang-araw-araw na pangagailangan ng mga apektado ng pagkalat ng radiation ng nuclear plant noong ika-15 ng Abril.
Ang mga maaaring tumangap ng konpensasyon na ito ay ang mga tumira sa lugar na kailangang mag-evacuate, o di kaya’y sa mga taong hindi nakakalabas ng bahay dahil sa pag-utos ng pamahalaan para iwasan ang radiation. Babayaran ang 1,000,000yen sa isang pamilya at 750,000yen para sa single-person household.

Ang mga lugar na kinailangang mag-evacuate ayon sa utos ng pamahalaan ay Minamisoma-City, Iitate-Mura, Namie-Machi, Futaba-Machi, Okuma-Cho, Tomioka-Machi, Naraha-Machi, Hirono-Machi, Katsurao-Mura, Kawauchi-Mura, Tamura-City at Iwaki-City. 

May pagpapaliwanag hinggil sa kompesasyon na ito sa bawat evacuation center at iba pang lugar. Magbibigay doon ng application form. Magkakaroon ng consultation counter hinggil dito mula sa ika-28 ng Abril. 

Makakaasang may pag-uulat sa mga susunod na araw kapag may karagdagang detalye hinggil sa konpensasyon na ito. 


【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

Impormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapadala at pagkain ng mga produktong agrikultura at livestock(農畜産物・魚介類の摂取・出荷制限について・続報)

ika-11 ng Abril 2011 14:00
Impormasyon tungkol sa Kalamidad No.110

Impormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapadala at pagkain ng mga produktong agrikultura at livestock

Ipapahayag po namin sa inyo ang karagdagang impormasyon tungkol sa pagbabawal ng pagpapadala at pagkain ng mga produktong agrikultura at livestock at isda na hindi po pinahayag sa No66.
Ang mga produkto katulad ng gulay at isda na nakita ang radioactive material na mas mataas sa average level ay pinagbabawal ng paglabas o pagpapadala.

Ang mga produktong pinagbawal ipadala ay mga susunod.
(ipinahayag ng Labour and Welfare Ministry, Fishery Agency noong ika-11 ng Abril, 3pm)
lugarPetsa ng paglabas ng utosProdukto
Katori-shi at Tako-machi,

Chiba Prefecture
Ika-4 ng AbrilSpinach/HORENSO
Asahi-shi, Chiba Prefectureka-4 ng AbrilHORENSO、Bok choy/ CHINGESAI、Crown daisy/ SYUNGIKU、SANCYU、

Celery、Parsley
Fukushima Prefecture (maliban sa Kitakata-shi, Bandai-machi, Inawashiro-machi, Mishima-machi, Aizu-Misato-cho, Shimogo-machi, at Minami-Aizu-machi)Ika-21 ng MarsoGatas ng baka
Buong Fukushima PrefectureIka-23 ng MarsoLeaf vegitable, tulad ng HORENSO、KOMATSUNA, Cabbage、

Tinatawag na “cruciferous vegetables” tulad ng Broccoli、Califlower, Turnip

 Atb
Ibaraki PrefectureIka-21 ng MarsoHORENSO at KAKINA
Ika-23 ng MarsoParsley
Karagatan ng Kita-Ibaraki-shi, Ibraki PrefectureIka-21 ng AbrilIKANAGO/KONAGO

(Isang uri ng isda)
Tochigi PrefectureIka-21 ng MarsoHORENSO at KAKINA

Nakita ang radioactive material na mas mataas sa average level sa mashroom o SHITAKE na tinatanim sa labas sa Meshikan-mura, Date-shi, at Araji-cho ng Fukushima Prefecture noong ika-11 ng Abril.
Hindi pa kumakalat sa palengke ang mga ito at hindi na ipinagbibili. Nakikiusap ang Ministory of Labor and Welfare sa mga magsasakang nagtatanim ng nasabing gulay para hindi na ipagbenta o ipadala ito.
(as of 15:00, ika-11 ng Abril)

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

4/14/2011

International Nuclear Events Scale (INES) Level 7(国際原子力事象評価尺度 レベル7)

Ika-13 ng Abril 2011, 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No. 113

International Nuclear Events Scale (INES) Level 7

Noong ika-12 ng Abril, pansamantalang ipinalagay ng gobyerno sa Level 7 ang aksidente sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant. Ito ay tumaas ng dalawang grado mula sa Level 5 na inihayag noong ika-18 ng Marso.

Ngunit hindi nito ibig sabihin na biglang dumami ang radioactive material sa kasalukuyan. Ang dating level ay pinagpasiyahan batay sa resulta ng pagsisiyasat ng mga sinaunang data. Hindi rin nito ibig sabihin na lumawak agad ang evacuation area.

Level International Nuclear Events Scale (INES)
7Malubhang aksidente
Seryosong aksidente
Aksidenteng may malawakang panganib (na umaabot sa labas ng Nuclear Plant)
Aksidenteng may lokal na panganib (na hindi umaabot sa labas ng Nuclear Plant)
Seryosong di-pangkaraniwang pangyayari
2Di-pangkaraniwang (Abnormal na) pangyayari
Anomalya

Tingnan ang HP sa ibaba para sa mga resulta ng radioactive measurement at mga pagsisiyasat sa tubig (tap water) sa iba’t ibang lugar. (Hapon, Ingles, Chinese at Korean) 

Radioactivity level sa buong bansa
http://www.mext.go.jp/

Para sa mga detalye, magtanong sa pinakamalapit na opisyal ng munisipyo o evacuation center staff, o sa opisyal ng mga local governments (prefecture at city government).

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean
email: tabumane110311@yahoo.co.jp


日本語

4/12/2011

Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant “Planned Evacuation Area”(福島原発「計画的避難区域」)

Ika-11 ng Abril, 2011 18:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No. 112

Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant “Planned Evacuation Area”

Ayon kay Chief Cabinet Secretary Edano sa press conference kaninang hapon, nagpasiya silang gawing “planned evacuation area” ang mga lugar na nasa labas ng 20km radius ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant at may posibilidad na maging mahigit sa 20mSv ang kabuuang radiation dose sa isang taon dahil sa kondisyon ng panahon at lupain.

Ang magiging planned evacuation area ay Katsurao, Namie town, Iitate town, bahagi ng Kawamata town at bahagi ng Minamisouma city ng Fukushima Prefecture.

Ukol sa panahon ng evacuation, “Sana’y makalikas ang mga residente sa loob ng isang buwan.” ayon kay Chief Secretary Edano, “Ang mga instruksyon para sa mga residente ay ipapahayag batay sa sitwasyon sa natukoy na lugar at pagkatapos nilang makipagusap sa mga may kinalaman sa mga natukoy na komunidad.”

Nagpasiya rin silang maging “Evacuation Prepared Area for Emergency” ang mga lugar na hindi kasama sa “planned evacuation area” na nasa labas ng 20km radius ngunit nasa loob ng 30km radius ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant. Binabawal ang mga residente na nasa lugar na ito na lumabas sa mga gusali.

Ang nasabing evacuation prepared area for emergency ay ang Hirono town, Naraha town, Kawauchi, bahagi ng Tamura city at bahagi ng Minamisouma city sa nasabing Prefecture. Walang pasok ang mga nursery center, preschool, elementary school, junior high school at high school nang pansamantala.

(Ika-11 ng Abril, 2011 4:14pm Yomiuri Shimbun)

Paliwanag 1: “Planned Evacuation Area”
Ang lahat ng mga taong nasa lugar na ito ay kinakailangang mag-evacuate sa loob ng isang buwan.
Sa mga taong nahihirapang mag-evacuate sa sariling pagsisikap, ang gubyerno o ang mga may kinalaman sa komunidad (local government) ang magbibigay ng mga tiyak na direksiyon sa pag-evacuate.

Paliwanag 2: “Evacuation Prepared Area for Emergency”
Hinihikayat ang mga taong kayang mag-evacuate sa mga lugar na ito na kusang-loob na mag-evacuate.
Sa mga taong kinakailangang manatili sa kabila ng panghikayat na ito, maghandang lumikas sa sandaling magkaroon ng emergency. Ipinagbabawal ang mga bata, buntis at mga pasyente na pumasok sa mga lugar na ito.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

日本語

3/26/2011

Impormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapainom ng tubig na galing sa gripo sa mga sanggol (No.2)

Ika-24 ng Marso, 2011 16:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.68

Impormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapainom ng tubig na galing sa gripo sa mga sanggol (No.2)

 Sa ika-24 ng Marso, ang gobiyerno ng Chiba ay nagpahayag na nakita sa dalawang water purifying plant sa Chiba ang isang klaseng material na may halong radiation na tinatawag na “radioactive iodine 131” na halos doble ng standard level na puwedeng ipainom sa mga sanggol. At nag-utos din ang nasabing gobiyerno sa mga taong nakatira sa buong area ng Funabashi City, Ichikawa City, Kamagaya City, Urayasu City, at parteng area ng Chiba City, Narashino City, Matsudo City, Ichihara City, Narita City, Inzai City at Shiroi City na huwag ipainom ang tubig na galing sa gripo sa mga sanggol.
Ang mga lalawigan na nagbabawal ng pagpapainom ng tubig na galing sa gripo sa mga sanggol ay susunod (as of 4:00PM ng ika-24 ng Marso) :
area Local Government Unit
Buong area Funabashi City, Ichikawa City, Kamagaya City, Urayasu City
Parteng area Chiba City, Narashino City, Matsudo City, Ichihara City, Narita City, Inzai City, Shiroi City

Kung gagamitin ninyo ang mineral water para haluan ng powder milk, mas maganda kung gagamitin ang soft water kaysa sa hard water. Dahil maaaring mapadumi ang sanggol sapagka’t sobrang marami ang minerals sa hard water.

Ang shopping mall naman ng ITO YOKADO(イトーヨーカ堂) ay nagpahayag sa ika-24 ng Marso na uunahin nila ang mga pamiliyang may sanggol para bentahan ng tubig na naka-plastic container. Kapag dadalhin at ipapakita ninyo sa kanila ang Boshitecho(母子手帳) o maternal and child health handbook na nagpapatunay na may sanggol kayong isang taong gulang pababa, makakabili kayo ng isang tubig na naka-plastic container na dalawang litro bawat isang sanggol.

Depende sa kalagayan nilang istock ng tindahan kung ilan ang puwede nilang ibenta, ngunit ang pinaka marami ay isang daang countainer lamang sa isang araw sa lahat ng branch nila. Pasisimulan nila itong serbisyo sa kanilang 40branches sa Tokyo at Chiba, at simula ika-25 ng Marso naman ay gagawin din sa 117branches sa Kanagawa, Ibaraki, Tochigi at Gunma.



日本語

3/25/2011

Impormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapadala at pagkain ng mga produktong agrikultura at livestock

Ika-23 ng Marso, 2011 16:00

Impormasyon tungkol sa kalamidad No.65

Impormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapadala at pagkain ng mga produktong agrikultura at livestock

Nakita ang radioactive material na mas mataas sa average level na itinakda ng gobiyernong Hapon mula sa mga produktong agrikultura at livestock galing sa Fukushima dahil sa epekto ng aksidente sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant. Dahil dito, nag-utos ang gobiyerno sa mga magsasakang agrikultura at livestock na huwag munang ipadala ang mga produktong ito, at nag-payo sa mga mamamayan na huwag muna kainin ang mga ito.

Ngunit pinaliwanag ni Chief Cabinet Secretary Edano tungkol sa mga produktong ito na “Walang agad na masamang epekto sa kalusugan kahit kainin ninyo nang ilang beses lang ang mga ito. Subalit dahil naipapalagay namin na tatagal pa ang ganitong kalagayan na nakikita ang mataas na radiation sa mga ani, nag-decide kami na mas maganda kung mag-utos kami nang maaga palang sa pagbabawal ng pagpapadala at pagkain ng mga ito para sa just in case.”

Ang mga produktong pinagbawal ipadala at kainin ay mga susunod (as off 11:00AM ng ika-23 ng Marso) :

Pinanggalingan ng produkto
Bawal kainin
Bawal ipadala
Fukusima
Hourensou(spinach/
Cabbage, Komatsun, Kukitachina, Shinobu-Fuyuna, Santouna, Chijirena, Aburana, Kousaitai, Broccoli, Cauliflower atb
Gatas ng baka(raw milk), Hourensou, Kakina, Cabbage, Komatsuna, Kukitachina, Shinobu-Fuyuna, Santouna, Chijirena, Aburana, Kousaitai, Broccoli, Cauliflower, Kabu  atb
Ibaraki
Hourensou, Kakina, gatas ng baka, Parsley
Tochigi
Hourensou, Kakina
Gunma
Hourensou, Kakina

*Ang mga gulay na nakasulat sapamamagitan ng makapal na letter o gothic latter  ay mga bagong pinagbawal noong ika-23 ng Marso.


日本語

3/24/2011

Imormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapainom ng tubig na galing sa gripo sa mga sanggol

Ika-23 ng Marso, 2011 16:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.65

Imormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapainom ng tubig na galing sa gripo sa mga sanggol

Bandang 2:30PM ng ika-23 ng Marso, ang lokal na gobiyerno ng Tokyo ay nagpahayag na nakita ang isang klaseng material na may halong radiation na tinatawag na “radioactive iodine 131” na halos doble ng level na puwedeng ipainom sa mga sanggol (mas bata sa isang taong gulan), sa water purifying plant sa Tokyo.

Nag-utos ang gobiyerno ng Tokyo sa mga taong nakatira sa mga lalawigan ng Tokyo23-ku, Musashino City, Machida City, Tama City, Inagi City at Mitaka City na huwag ipainom sa mga sanggol ang tubig na galing sa gripo tulad na hinaluan ng powder milk.

Bukod pa sa Tokyo, sa ika-22 ng Marso ay nagpahayag din ang Ministry of Health, Labour and Welfare (MHLW) na nakita rin sa tubig na galing sa gripo ang nasabing radioactive material na mas mataas sa level na puwedeng ipainom sa mga sanggol sa limang lalawigan sa Fukushima prefecture tulad ng Date City, Koriyama City, Tamura City, Minamisoma City at Kawamata-machi, at nag-utos din na huwag ipainom ang tubig na galing sa gripo sa mga sanggol.

Ipagpapatuloy ng gobiyernong Hapon ang pag-momonitor ng radiation level.

 Ang mga lalawigan na nagbawal ng pagpapainom ng tubig na galing sa gripo sa mga sanggol ay susunod (as of 3:00PM ng ika-23 ng Marso) :

prefecture Local Government Unit
Tokyo Tokyo23-ku(Tokyo Metropolitan), Musashino City, Machida City, Tama City, Inagi City, Mitaka City
Fukushima Date City, Koriyama City, Tamura City, Minamisoma City, Kawamata-machi, *Iitate-mura
 *Binawal na ng MHLW ang paginom ng tubig na galing sa gripo simula noong ika-20 ng Marso hanggang ngayon sa mga nakatira sa Iitate-mura, hindi lang mga sanggol pati mga nakakatanda.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

日本語

3/22/2011

Impormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapadala ng mga produktong agriculture - 58

Ika-21 ng Marso, 2011 18:30
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.58

Impormasyon ukol sa pagbabawal ng pagpapadala ng mga produktong agriculture

As of 6:00PM ng ika-21 ng Marso, ang gobiyernong Hapon ay nag-utos sa mga lokal na gobiyerno at sa mga magsasaka na huwag munang ipadala ang mga susunod na produktong agriculture, dahil sa pagtulo ng radiation sa Fukusima Daiichi Nuclear Power Plant.

● HORENSO (spinach) at KAKINA na galing sa Fukushima, Ibaraki, Tochigi at Gunma

● Gatas ng baka (raw milk) na galing sa Fukushima

Pahayag ni Chief Cabinet Secretary Edano: “Walang agad na masamang epekto sa kalusugan kahit kumain kayo ng mga gulay na ito.”

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

3/19/2011

Ukol sa pagkain na may “radiation” na lampas ng standard (53)

Impromasyon tungkol sa kalamidad No.53

Ukol sa pagkain na may “radiation” na lampas ng standard

Noong ika-19 ng Marso, may lumabas na balita ukol sa pagkakaroon ng radiation sa spinach/HORENSO sa isang lugar ng Ibaraki prefecture at sa gatas sa Fukushima. Ang level o dami ng radiation nito ay lumampas na sa standard na itinatakda ng “Nuclear Safety Commission”.
Kung iinumin po ninyo araw-araw ang naturang gatas sa average amount na kaya ninyong ubusin sa isang araw, ang antas ng radiation na papasok sa inyong katawan ay pareho lamang sa radiation na pwede ninyong makuha sa isang beses na pagpapa-CTscan. Ganoon din kung kakainin po ninyo ang nasabing Horenso, ang amount ng radiation ay one-fifth lamang sa isang beses na CT scan. Kaya’t hindi ito magiging dahilan ng kagyat na pagkakasakit at walang masamang epekto sa katawan.
Ayon sa resulta ng radiation check, kung may pagkain na may kasamang radiation na sobra sa naturang standard, ang lokal na pamahaalan ay dapat gumawa ng kaukulang aksyon, tulad ng pagbabawal sa pagbenta o paglabas ng produkto.

【Para sa Karagdagang Impormasyon】
 The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

Impormasyon tungkol sa Nuclear Power Plant

Ika-19 ng Marso 2011, 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.49

Impormasyon tungkol sa Nuclear Power Plant

Nakasulat sa ibaba ang impormasyon tungkol sa evacuation.

■Mag-evacuate ang mga naninirahan sa loob ng 20KM mula sa Fukushima Daiichi nuclear plant at mga naninirahan sa loob ng 10KM mula sa Fukushima Daini nuclear power plant.
■ ■Huwag lumabas ng bahay at nasa loob ng gusali ang mga naninirahan sa 20-30KM mula sa Fukuoka Daiichi nuclear power plant. 

○Pag nasa loob ng bahay
① Huwag buksan ang bintana at pinto. Patayin ang aircon at fan para hindi makapasok sa bahay ang hangin mula sa labas. 
② Huwag magsampay ng labhan sa labas ng bahay. At huwag ipasok sa loob ng bahay ang mga sinampay na 
galing sa labas. 

○Pag lumabas kayo
① Sandali lang
② Gamitin ang kotse kaysa lumakad
③ Takpan ng basang tuwalya at iba pa ang bibig at ilong o magsuot ng mask.
④ Magsuot ng sumbrero at huwag ibilad ang balat.
⑤ Huwag mabasa ng ulan.

○Pag bumalik sa gusali galing sa labas
① Maglaba ng damit ng maingi
② Magmumog at maghugas ng kamay.

Ito ang mga dapat gawin ayon sa kasalukuyang nagyayari sa Fukushima Daiichi nuclear plant. 
Nakakalat ang radiation sa loob ng Fukushima Daiichi nuclear plant. Pero huwag mag-panic, ang radiation ay mas mahina kung mas malayo sa nuclear plant.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp