4/26/2011

Pagtanggap ng mga Estudyante(被災地域の学生受け入れについて)

Ika-25 ng Abril, 2011 11:00

Pagtanggap ng mga Estudyante

Tumatanggap ng 22 na unibersidad at 2 pang dalawang taon na kolehiyo ng mga estudyanteng naapektahan ng kalamidad ng lindol na ito at di nakakapasok sa kanilang lalawigan. Libre ang tuisyon.

- Ang tatanggapin: Mga estudyante sa graduate school, university at two year college na nasa naapektahan lalawigan na hindi nakakapasok at hindi nakakapag-umpisa muli ng mga klase.(pati na rin ang mga foreign students)
* Hindi kasali dito ang research students

- Panahon: Hanggang sa Setiembre ng taong 2011. Ngunit maaari maka-extend nang 1 taon depende sa situwasyon.

- Pagbibigay ng unit: Bawat eskuwela ay magsasaayos ng sistema para makalipat ng mga unit sa dati nila ng eskuwela. Ang Hyogo-Kobe University Consortium ang magpapasiya ng eskuwela depende sa pinapasukan nila faculty ngayon.

- Pabahay: Ihahanda ang dormitory ng unibersidad o pabahay ng siyudad o pripektura. Pinuplanong libre o bawasan ang gastos ng pabahay.

- Deadline ng Aplikasyon: Bago mag 30 Abril. (Dahil sa nag-umpisa na ang klase sa mga unibersidad, mag-aply kayo nang maaga.)

* Ang estudyanteng dating may “foreign student” visa na lumabas ng bansa nang hindi kumuha ng re-entry permit ay kailangang ihanda ang papeles mula sa pinasukan nilang eskuwelahan na sila’y makakatuloy ng pag-aaral. Kung ganoong kaso, magpaalam na lang sa pag-aaply ninyo. Ukol sa re-entry, mag-kumpirma kayo sa ika-106 na balita sa amin o website ng embahada.

- Aplikasyon: Tumawag o mag-email kayo sa
Hyogo-Kobe University Consortium
 Tel:078-381-6187 E-mail:t.fujikawa@consortium-hyogo.jp
* Wikang Hapon lamang

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp


にほんご

No comments:

Post a Comment