3/16/2011

Impormasyon ukol sa Nuclear Power Plant

Ika-16 ng Marso, 2011 15:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad

Impormasyon ukol sa Nuclear Power Plant 

Bagamat ang lahat ay nasa mahirap na kalagayan, magtulungan tayo sa isa’t isa. Huwag mawalan ng pag-asa. Nagsisikap ang pamahalaan at munisipalidad para ayusin ang mga problema.
Noon March 16 ng alas 8 ng umaga, lumabas ang water vapor na may radioactivity galing sa No.3 ng Fukushima Daiichi nuclear plant. 
■Mag-evacuate ang mga naninirahan sa loob ng 20KM mula sa Fukushima Daiichi nuclear plant. 
■Ang mga naninirahan sa 20-30KM mula sa Fukushima Daiichi nuclear plant ay 
①Hindi dapat lumabas. 
②Huwag magbukas ng bintana at pintuan. Iwasan ang pagpasok ng hangin mula sa labas. 
③Huwag magsampay ng labahan sa labas ng bahay. At huwag ipasok sa loob ng bahay ang mga sinampay na galing sa labas. 
④Patayin ang aircon at fan.
Kung talagang kailangang lumabas
①takpan ng basang tuwalya o panyo ang bibig at ilong. 
②Magsuot kayo ng raincoat at iba pa para takpan ang balat.
③Takpan ang sugat.
Ito ang mga dapat gawin ayon sa kasalukuyang nagyayari sa Fukushima Daiichi nuclear plant. 
Nakakalat ang radiation sa loob ng Fukushima Daiichi nuclear plant. Pero huwag mag-panic, ang radiation ay mas mahina kung mas malayo sa nuclear plant. 
Ang mga lugar na 20-30km mula sa nuclear plant ay ang mga susunod; 
Tamura-city, Minamisouma-city, Kouno-cho, Naraba-machi, Tomioka-cho, Sendai-mura, Ookuma-cho, Futaba-cho, Namie-Machi, Kuzuo-mura, Iitate-mura, Iwaki-city 
【Para sa Karagdagang Impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

No comments:

Post a Comment