3/23/2011

Para sa mga inang may anak na sanggol

Ika-22 ng Marso, 2011 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.64

Para sa mga inang may anak na sanggol


Nagkakaroon siguro ng malaking pag-aalala at stress ang mga nanay na may inaalagang anak na sanggol dahil sa epekto ng lindol. Kung kayo ay kapapanganak pa lang, maghanap kayo ng lugar na may konting privacy at magpasuso sa inyong anak nang dahan-dahan kahit sandaling oras lamang. Kahit nahinto ang paglabas ng gatas sa suso dahil sa stress, sa karamihan ay lumalabas ulit ang gatas basta ipagpatuloy  ninyo ang pagpapasuso.
Sa emergency case na tulad ng walang lumalabas na gatas at wala rin kyong powder milk, puwede rin isubo sa inyong anak ang tinatawag na “OMOYU” o sabaw ng lugaw. Para gumawa ng OMOYU, magsain kayo ng bigas at dagdagan ng tubig upang makakuha ng OMOYU.
Sa evacuation center, importante rin ipakita sa mga taong nasa paligid ninyo na may anak kayong sanggol at humingi ng tulong sa kanila. Ilagay ninyo ang towel sa loob ng karton at ihiga ang inyong anak doon. Mas maganda ring idikit ninyo ang papel na may nakasulat na “May sanggol dito.” o “赤ちゃんがいます” para madaling makita.

©Ushida Kyoko
1. Gupitin ang tok-tok ng dalawang hawakan ng plastic bag.
2. Gupitin ang magkabilang gilid along the folded line.
3. Ibuka ang plastic bag para maging isang piraso nalang siya. Ilagay ang towel sa gitna at ihiga ang inyong baby.
4. Itali ang mga hawakan sa kaliwa at sa kanan ng baywan ng baby.

日本語

No comments:

Post a Comment