3/12/2011

Punta kayo sa evacuation center

Punta kayo sa evacuation center

Marso 12, 2100 24:00
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific ocean
Impromasyon ng Sakuna; numerong 20

(Punta kayo sa evacuation center.)

Kung nasira ang inyong bahay o mukhang nasa panganib ito maaaring pumunta sa malapit na evacuation center sa inyong lugar. Ang evacuation center po ay bukas sa lahat ng inyong pangangailangan: pagkain, tubig, palikuran, at lugar na pagtutulugan. Ang mga balita at impormasyon tungkol sa mga kaganapan sa sakuna ay direktang maihahatid sa inyo. Ito po ay bukas at libre sa publiko at sa mga dayuhan.

Sa pangyayaring mawalan kayo ng tubig, kuryente o gas dahil sa sakuna. Maari lamang pong maghintay at ito po ay ginagawan ng karampatang solusyon ng mga Opisyal.
Sa pagkakataon pong ito maaari kayong pumunta sa evacuation center na malapit sa inyo, may makukuha po kayong tubig at pagkain doon.

【Impormasyon sa pagkontak】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific ocean
e-mail:tabumane110311@yahoo.co.jp

No comments:

Post a Comment