3/22/2011

Pangalagaan ang mga bata

Ika-21 ng Marso 2011 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.61

Pangalagaan ang mga bata

Ang mga batang naapektuhan ng kalamidad ay nagkaroon ng lubhang nakakatakot na karanasan, kung kaya’t hindi nakapagtataka kung sila ay balisa at nag-aalala.
Tulungan silang mapanatag ang kanilang kalooban, sa pagsasabi na “Wala na ang problema.” at “Puprotektahan ka ng lahat”. Huwag hayaan o iwanang nag-iisa ang mga bata, at lagi silang pansinin. Ulitin-ulitin ang mga salitang “OK na, wala na ang problema” para mapanatag ang kanilang kalooban at mawala ang kanilang takot.

No comments:

Post a Comment